Iwa Moto, latest recruit ng TV5?!

SI IWA Moto na ba ang latest recruit ng Kapatid Network?

We’re asking this dahil nabalitaan namin na nag-taping na si Iwa ng first ever guesting niya sa TV5 sa Pinoy Samurai. Susundan pa raw ito ng another guesting sa station sa show ni Tito Dolphy na Pidol’s Wonderland.

Ang nakarating sa aming tsika, magi-ging Kapatid na raw ang former StarStruck avenger dahil hindi raw ugali ng GMA-7 na magpahiram ng kanilang artist sa telebisyon.

 

ANG ISA pang natsitsismis na lilipat na rin pero sa Dos naman ay si Iza Calzado.

Nagpaalam na nga raw sa ilang kasamahan niya si Iza bago pa matapos ang taon. Kaya lang, mukhang naghahabol ang GMA-7 at sinasabing makikipag-meeting daw itong si Atty. Felipe Gozon kay Iza. Homegrown talent kasi nila si Iza.

Ang alam namin, noon pa gustong lumipat ni Iza sa ibang network dahil sa kawalan ng proyekto sa Siyete.

Ang unang show raw na gagawin ni Iza pagtuntong sa Dos ay isang soap with John Lloyd Cruz.

 

BLIND ITEM: Tila hindi pa rin natatauhan itong medyo sikat na leading actress ng isang network. Until now kasi ay masyado itong antipatika.

Iniisnab daw ng hitad ang isang veteran actress na kasama niya sa tent. Hindi nito kinikibo man lang ang aktres kahit na nasa iisang lugar lang sila o kaya naman ay break nila.

Nagtataka nga ang aktres kung bakit parang masyadong malaki ang ulo ng aktres na ito. Masyado itong feeling, kaiba sa mga nakatrabaho niyang  aktres na mas may K na magmalaki kaysa sa kanya.

Sino ang aktres? Naku, mayaman ang tunog ng kanyang namesung at dati siyang taga-barrio. Gets n’yo na?

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

9 thoughts on “Iwa Moto, latest recruit ng TV5?!

  1. Oo nga, pirate ng pirate ang TV 5 pero wala naman akong nakikitang show sa TV 5 na pwede nilang ipagmalaki. Sayang na sayang ang husay ni Lorna sa Glamorosa, parang di namamalayan ng sambayanan ang show na yun. Good luck kay Sharon, baka lang lalo siyang malaos sa Singko. Yun nga lang, mga tulad ni Lorna at Sharon, kahit di bumenta shows nila, bonggang-bongga naman ang compensation package. Di ba Claudine?

  2. Nakakatawa..as if naman si Iwa Moto ang magbibigay kinang sa TV5..Pirate everyone if they like..ang issue dito, magbigay sila ng magandang show na kakagatin ng masa! Pak!

  3. @eye of the tiger, sorry ha sa sasabihin ko, alam ko na nagnanasa ka kay ajinamoto, pero yon ang tunay mong sinabi, she is just so good for just a one night stand, hahahaha, ang ganda pa naman niya pero sayang, parang walang moralidad din itong babaeng ito, sorry sa mga fans, nagpakatotoo lang.

  4. itong comment sa itaas ko, super pretentious ang dating. napaka-pathetic. inday, itong mga adjectives ko for you na lang ang i-research mo, para malaman mo na napaka-hypocrite mo….

  5. Hindi pa pala ako tapos. Madali ang BI but I am more interested in the veteran actress. Who’s she ? Anyone ?

  6. Iwa Moto needs a big break. Alis na rin sa siyete at lipad sa cinco. Good luck.

  7. Sayang ang ganda at talent ni Iza. Lipat na lang siya sa dos. Never heard of Paolo Avelino before, pero ng makita ko siya sa
    ABS-CBN, humanga ako. Hindi siya Hunk material pero ang looks niya ay universal. Bata o matanda, puwedeng humanga sa kanya. Magaling rin siyang umarte. At least ngayon, napapansin na siya. Si Iza, I have to do a research para makilala ko siya.

    BI : given na given ang clue. E-RICH Gonzales of Maria La Del Barrio.