Iwa Moto, jobless na naman!

NAKALULUNGKOT MANG isipin na ang isang taong gusto lang mabuhay ay parang gusto pang hadlangan ng mga taong dati ay hindi namamansin at hindi na naisip pang bigyan siya ng kabuhayan.

Ito marahil ang sitwasyong kinasasadlakan ni Iwa Moto sa ngayon dahil after almost eight months na walang pinagkakaabalahan bilang artista, ay ‘eto si Iwa, pilit na bumabangon at naghanap ng mga raket na masasabi na-ting malaking tulong sa kanya at sa kanyang pamilya.

Matatandaang pagkatapos ng ilang buwang pamamalagi sa Japan ay bumalik si Iwa sa bansa upang  ipagpatuloy ang kanyang trabaho sa showbiz at nag-guest pa siya sa isang show sa GMA at nananawagan na sana ay mabigyan ng raket. Pero to no avail ang panawagang ito ni Iwa dahil nanatili siyang naka-tengga.

Ngayong 2012, sinikap nitong magkaroon ng mga pagkakaabalahan dahil said na said na raw siya pagdating sa financial na usapin at nabigyan ng Wil Time Bigtime ng pagkakataong maging guest co-host. Pero ilang araw pa lang doon si Iwa ay nagpadala na ang GMA sa Wil Productions ng sulat na nagsasabing may kontrata pa ang Starstruck alumna sa kanila hanggang March. Parang basang sisiw ngayon si Iwa na sinunod ang nasabing utos at balik na naman siya sa pagiging ‘jobless’, ‘ika nga.

Dasal naman para sa kanya na maayos na ang lahat ng ito nang muli na siyang makapagtrabaho at matupad ang wish niyang makilala ng masa ang totoong Iwa Moto.

 

BILIB KAMI sa pagiging pursigido ni David Archuleta na matuto at kahit papano ay makasabay sa mga artistang kanyang makakasama sa bagong mini-serye ng TV5 na Nandito Ako.

Imagine, bago pala siya sumalang sa kanyang unang pag-arte noong Lunes para sa first taping day ng soap ay nag-workshop muna ito ng anim na oras kay Direk Gina Alajar.

Wala raw sinayang na oras si David kahit rest day niya ang Linggo at talagang humataw raw ito sa aktingan kasama ang magaling na actress-director. Buti pa si David, naisip pa ang mga ganitong preparasyon hindi katulad ng iba riyan na basta-basta na lang sumalang kahit walang alam. Need I say more kung sinu-sino sila? Well, ham nga ang tawag sa kanila, ‘di ba?

 

PINAKAMALAKING EVENT na pagdating sa showbiz industry ngayong January ang kasalang Shalani Soledad at Roman Romulo. Fusion of showbiz and politics nga itong wedding ng dalawang pulitiko na nahinog noong nakaraang taon.

Dadalo kaya ang mga Aquino na imbitado sa kasalang ito? Well, ito ang isa sa mga senaryong inaabangan ng karamihan. Very close kasi ang mga Romulo sa pamilyang Aquino at si Shalani naman ay naging boyfriend ang ating presidenteng si Noynoy Aquino.

Sa Linggo na ang engrandeng kasalang ito na mapapanood naman sa Paparazzi Showbiz Exposed sa January 29 ang buong kaganapan.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Iwa Moto, jobless na naman!

  1. NAKU IWA PWESTO KA NA LNG SA MALATE OR SA QUEZON AVE BAKA SAKALING MAY PAROKYANO KANG MAKUHA DUN NA KAKANTOT SA SABOG MONG MGA BUTAS. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA

  2. Magpapatayan kasi sila ni Janna na buntis na ngayon ke Mickey kaya ayaw na niya bumalik sa GMA. Pag nagkita sila sa Loob ng GMA building magsasabunutan silang dalawa hehehe…Kararating lang niya dito sa pinas galing Japan 6 months siya dun.

  3. wawa naman si iwa dapat pakawalan na lang ng gma para makapag-work na siya e2 na nga iyong second chance niya sa tv5 8months na palang wla pa rin kaya gumawa ng raket palibhasan nagustuhan ng tao si iwa sa wtbt hayun hinahabol hahahahaha..

Leave a Reply

Your email address will not be published.