Iwa Moto, itinangging secretly married na sila ng non-showbiz bf – Gorgy’s Park

SA EDAD NA 40 ay masasabing talagang may asim pa si Jean Garcia kaya ang dami pa rin palang umaali-aligid sa kanya ngayon.

Kuwento nga ng anak niyang si Jennica Garcia, mas maraming manliligaw raw ang Mommy niya kesa sa kanya.

Pinag-uusapan daw nila ng Mommy niya na kung sakaling ma-in love ito uli, sana pakinggan din daw ang opinyon niya dahil ayaw naman daw niyang makita muli ang Mommy niya na umiiyak dahil sa lalaki.

Ganu’n din naman ang nais mangyari ni Jean na kung sakaling ma-in love siyang muli, gusto niya ay seryosohan na puwedeng ito na ang lalaking makakasama niya habambuhay.

“Ayoko na kasi ‘yung hindi naman seryoso, tapos ‘yung ma-in love ako nang husto na sobra pa sa guy na mamahalin ko. Gusto ko naman ‘yung sana siya naman ang mas higit na na-in love sa akin kesa sa ako. Kasi parang nakakapagod kung wala namang patutunguhan ang relasyon namin,” pahayag ng magaling na aktres sa presscon ng bagong Sinenobela nila sa GMA-7, ang Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.

Sa ngayon, dating daw muna siya na karamihan ay mga non-showbiz guys at mas bata pa nga sa kanya.

Wala pa naman daw siyang siniseryoso o pursigidong nanliligaw sa kanya kaya ini-enjoy lang daw niya ang makikipag-date paminsan-minsan.

“Kung sakaling makikipagrelasyon na ako, kailangan tanggap niya ako at ang buong pamilya ko,” dagdag na pahayag ni Jean.

Kung papipiliin daw siya, gusto sana niya ay sa non-showbiz siya makikipagrelasyon para mas private at hindi raw artista ang pagkakakilala sa kanya.

Si Jennica naman ay kabi-break lang kay Mart Escudero kaya kahit meron ding may balak na manligaw, hindi raw muna niya ito ini-entertain dahil gusto nitong magpahinga raw muna ang puso niya. Tutal, naranasan na raw niyang makipag-boyfriend kaya todo-trabaho raw muna siya na walang boyfriend.

Mas excited pa ngayon si Jennica sa bagong Sinenobela niya dahil ang Mommy niya ang madalas niyang kaeksena rito. At pinaghahandaan na raw niya ang mga matitinding sampal mula sa Mommy niya, dahil never pa siyang nakatikim na sinaktan ni Jean sa tunay na buhay.

Sa Lunes na ito magsisimula kapalit sa timeslot ng Tinik sa Dibdib, pagkatapos ng Kaya Kong Abutin ang Langit.

GANU’N DIN ANG drama ni Iwa Moto nang nakatsikahan din namin sa presscon ng nabanggit na Sinenobela.

Wish nitong sana itong boyfriend niya ngayon na si Mickey Ablan ang lalaking makakasama niya habambuhay dahil so far, ito na raw ang pinakamatagal niyang relasyon.

Halos dalawang taon na raw sila at okay na okay raw ang kanilang relasyon na tanggap ng kani-kanilang pamilya.

Sa totoo lang, hindi na nga tututol ang mga magulang nila kung sakaling magdesisyon na silang magpakasal. Pero sey ni Iwa, mga five years or more pa raw bago nila mapagdesisyunan ang magpakasal.

Kaya nagulat na lang ito nang tinanong namin na merong kumakalat na balitang nagpakasal na raw sila ng boyfriend niya sa Huwes sa isang tagong lugar sa Ilocos.

Matagal na raw ang intrigang ganyan sa kanya at pinagtatawanan na lang niya ito dahil hindi naman daw totoo. Hindi pa nga raw nag-propose sa kanya ang boyfriend niya, kaya paano raw sila magpapakasal.

Hindi pa raw siya handang magpakasal dahil kailangan pa niyang mag-ipon kaya dedmahin na raw ang intrigang nagpakasal na siya.

By Gorgy’s Park

loading...

2 thoughts on “Iwa Moto, itinangging secretly married na sila ng non-showbiz bf – Gorgy’s Park

Leave a Reply

Your email address will not be published.