Iwa Moto is destroying her life because of a man?!

NAKU, HA? HINDI na maganda itong ipinapa-kita ni Iwa Moto na ang latest naman ngayon ay nagtangka raw itong mag-suicide.

Kung napanood n’yo ang Tweetbiz Insiders namin nu’ng nakaraang Lunes, ikinuwento ni Justine Ferrer ang nangyari kay Iwa, kasi housemate niya ito.

May mga ilang detalye na in-edit na ni Justine kasi ayaw naman niyang manggaling pa ito sa kanya. Mabuting si Iwa na raw mismo ang magkuwento kung magsasalita pa ba ito.

Hindi kasi sinabi ni Justine kung talagang nagtangka nga ba itong magpakamatay.

Ang alam daw niya, nasobrahan lang daw ito sa antibiotics na tini-take niya dahil sa mga sugat nito na nakuha niya sa gulong nangyari last week. Pero kung antibiotics lang ‘yun, tingin ko hindi naman nagkaganu’n ‘yun.

Base sa kuwento ni Justine, sinira na lang nila ang pintuan ng kuwarto ni Iwa dahil hindi raw nito binubuksan kahit ilang beses nila itong kinakatok.

Napilitan daw silang sirain ang pinto at ‘yun na nga na nakita nila. Nakadapa raw si Iwa na unconscious na. Putlang-putla raw ito at nangingitim na ang mga labi. Kaya takot na takot silang humihingi ng tulong na isugod ito sa hospital.

Mabuti’t nakita nila si Ivan Mayrina ng GMA News na katapat lang ng bahay nila kaya ‘yun ang tumulong sa kanila na ihatid ito ng hospital.

Pagdating ng hospital, binigyan ito ng unang lunas para matanggal ang kung ano mang na-take nito.

Ang dinig ko lang, ang dati nitong boyfriend na si Mickey Ablan ang kausap niya bago siya nag-take ng kung anong gamot man ‘yun. Meron pa nga raw itong nakitang suicide note, pero ang sabi naman daw ni Justine parang hindi naman daw suicide note ‘yun. Parang sinulat lang daw niya ‘yun kung ano ang naramdaman niya nu’ng mga oras na ‘yun.

Siguro sa halip na i-post niya sa kanyang Twitter account, sinulat na lang niya. Ewan ko lang kung ano naman ang pakay niya du’n.

Sinubukan daw tawagan ng mga kaibigan ni Iwa si Mickey na puntahan na niya ito, pero hindi raw talaga pumunta.

Ang pumunta daw sa hospital, ang Mommy ni Mickey at inayos ang bill nito.

Nakalabas naman daw agad ng hospital si Iwa at nasa bahay na niya ito ngayon para magpaga-ling.

Ang Mommy raw nito ang nagbabantay sa kanya na kagagaling din lang pala ng hospital dahil sa nagkasakit na rin ito sa sobrang pag-aalala sa kanyang anak.

Sana ayusin ito ng GMA Artist Center dahil hindi na ito nakakatulong kay Iwa. Sana mabigyan na lang siya ng tamang guidance bago niya sirain ang sarili niya dahil lang sa lalaki, ‘no!

 

ANG DAMI NANG nagtatanong sa akin kung totoong lilipat na si Lorna Tolentino sa TV5.

In fairness, maganda ang offer ng TV5 at tinanggap ko na in principle, pero siyempre pag-uusapan pa iyan.

Alam ko sa August pa matatapos ang kontrata ni LT sa ABS-CBN, pero siyempre magmi-meeting pa kami ng mga taga-Dos dahil may offer naman sila.

Pero siyempre, tempting naman talaga ang offer ng TV5 at mahirap tanggihan, kaya tingnan na lang muna natin kung kaya itong tapatan ng Dos.

Sabi naman ni Lorna, hindi na siya bata at kai-langan naman daw niya ngayong mag-ipon.

Masaya na siya sa mga magagandang project na ginagawa niya sa ABS-CBN, pero sa panahon ngayon at ang dami naman niyang na-achieve, tama na ‘yung mag-ipon na siya.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

8 thoughts on “Iwa Moto is destroying her life because of a man?!

  1. yah, I just wish GMA can help Iwa for to be confined at the National Mental Health in Mandaluyong. She’s a nut case as far as Im concern

  2. OVER ACTING!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! wala na ba ibang gimik? noon pa sinabi ng mga medical doctors na di ka mamamatay sa laslas sa pulso kaya next time sa leeg ang hiwa para tigok agad

  3. kakainis naman itong c Iwa, hindi man lang nag-isip na andaming pangit na tao sa mundo at ang kanya ay sasayangin. Naks! Humanap ka na lang kasi ng pangit at ibign mong tunay!

Leave a Reply

Your email address will not be published.