Iwa Moto is afraid of ex-boyfriend’s stalking !

LAST EPISODE NA today, ng Tweetbiz Insiders, pagkatapos ng halos isang taon at kalahati nito sa ere. Malungkot pero puno ng positibong pananaw ang mga host nito na sina Tim Yap, Nanay Lolit Solis, at Gellie de Belen, at ang paparazzo na sina Justine, Danzen, Gorgy at Tito Ron.

 

SIGHTINGS NAMAN SA isang mall noong Sabado ang Ultimate Celebrity Survivor at model-actor na si Akihiro Sato, habang nagkakagulo naman sa activity center ng Glorietta ang mga tao dahil nagkalat ang mga look-a-like ni Lady Gaga, dahil sa launching ng album ni Lady Gaga na Born This Way.

 

NAKA-MOVE ON NA raw si Iwa pagkatapos ng masa-limuot na pangyayari sa kanila ng kanyang ex-boyfriend na si Mickey Ablan. Maayos na ang hitsura nito at mapapansin ang pagiging masayahin. Positibo ang outlook at mukhang ganado na ulit magtrabaho ang actress.

Pinabulaanan din ni Iwa ang balitang pagpapakamatay sa pamamagitan ng paglaslas ng pulso. Sa katunayan, ipinakita nito ang kanyang kamay at mababanaag na wala man lang itong sugat. Sanhi lamang daw ng sobrang stress at epekto ng gamot na kanyang iniinom, nakalimutan daw nitong kumain muna bago mag-take ng mga antibiotics.

Subalit sa kabila ng pag-move on ni Iwa, ayaw namang paawat ng umaastang stalker ngayon ni Iwa, ang dating boyfriend na si Mickey.

Noong Biyernes sa isang sinehan sa Greenhills, kasama ni Iwa ang mga kaibigan para manood ng pelikula at naging kasabayan ang actor na si Aljur Abrenica. Subalit nagulat na lamang daw si Iwa nang makita niya si Mickey na nakatanaw at malapit sa upuan nila, at animo’y nagmamatiyag at tinitingnan kung sino ang kasama niya.

Kaya naman nakaramdam ng konting panic si Iwa, su-balit nanatili pa rin daw siya sa sinehan. Hanggang sa kalagitnaan ng pelikula, bigla raw lumapit na si Mickey sa bandang likuran ni Iwa, kaya naman sobrang nagulat ito at minabuting ayain na ang kasamang kaibigang babae na umalis na sila sa naturang sinehan. Nagmamadali raw sila at hindi na nga raw nila napansin na nakalabas na sila ng mall para umuwi.

Pilit daw nakikipagbalikan si Mickey, kahit ilang beses nang umayaw si Iwa rito. Nagiging palaisipan tuloy sa mga nakakakilala sa kanila kung ano talaga ang nangyari bago ang kanilang hiwalayan, dahil hindi maka-move on si Mickey.

 

Thank you kay Sir Alex Pastor. Sa mga komento at kuwento na gusto ninyong i-share, you can e-mail me at gheer_12@yahoo.com.

The Lion’s Guard
by Gary de Leon

2 thoughts on “Iwa Moto is afraid of ex-boyfriend’s stalking !

  1. Dalawang lukring dapat mag patingin sila sa Mental. Sino bang manager ni Iwa? dapat pangaralan!

  2. tigilan na itong isyu na ito, kailan kaya magpapatayan itong dalawang baliw na ito para matapos na ang issue. IDIOTS!!!!!!!