IWA MOTO, INABSUWELTO SINA JODI STA. MARIA AT BANGS GARCIA!

HINDI PA RIN matapus-tapos ang isyung kasalan nina Iwa Moto at ng non-showbiz boyfriend niyang si Mickey Ablan. Kamakailan ay nagpa-interview si Iwa sa Startalk para kumpirmahing nag-break na sila ni Mickey. Nu’ng Sabado, nagsalita siya uli at nagkabalikan na raw sila. Nilinaw rin ng aktres na hindi sina Jodi Sta. Maria at Bangs Garcia ang tinutukoy na third party sa kanilang break-up.

Kasi naman, nagsalita na rin, hindi pa sinabi kung sino para nagkalinawan na. Ang dami tuloy nadamay na wala naman palang kinalaman sa isyu. Ang sabi pa ni Iwa, kinalimutan na raw niya ‘yon at pinatawad na ang boyfriend pati ang babaeng nanggulo sa kanilang relasyon para wala na raw siyang bigat na dinadala.

Kaya, bumalik na naman ang isyung kasal na raw sila two years ago pa. Nakalkal pa ng Startalk sa munisipyo ng Silang, Cavite na nagpakasal daw talaga ang dalawa. Hindi lang mailabas ang marriage certificate dahil kailangan na may consent ito nina Iwa.

“Anong marriage certificate ang iri-request ko? Wala namang marriage certificate!

“Hindi ko naman sila kukunsintihin para ma-please sila. Just take my word na lang. Ayokong lumaki pa ito. Ano ang gusto n’yong gawin, bahala kayo! Basta masaya ako na ngayon ay boyfriend ko si Mickey at do’n lang muna ‘yun, tuldok!” sey ni Iwa.

MALAPIT NANG MANGANAK si Lian Paz sa pangalawang anak nila ng alaga kong si Paolo Contis.

Pero ang latest na nabalitaan ko, dalawang buwang buntis na rin pala ang isa ko pang alagang si Carlene Aguilar. Kunsabagay, matagal na rin naman silang kasal ng asawa niyang si Yo Ocampo, kaya okay lang na mabuntis na ito. Bale panganay nila ‘yon, dahil kay Dennis Trillo ang unang anak ni Carlene na si Calix.

Sabi pa nito, alam na ni Dennis na buntis siya. Madalas naman daw nitong nakakasama ang anak nila.

Ito namang kay Paolo, isa sa mga araw na ito ay ma-nganganak na si Lian. Unang balak nga nila na isabay na ito sa birthday ng panganay nilang si Xonia Aitana na ngayong araw na ito. Ewan ko kung matutuloy ‘yon. Caesarean naman si Lian.

Kaya medyo dahan-dahan muna si Paolo sa trabaho ngayon dahil gusto raw niyang perso-nal na mabantayan ang panganganak ni Lian.

Nakakaloka, mag-iisang taon pa lang si Xonia, may kasunod na agad?! Kaya si-nabihan ko na tama na muna ‘yan. Hindi pa nga sila kasal at inaayos pa nila ang pinapatayo nilang bahay. Hay, naku!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “IWA MOTO, INABSUWELTO SINA JODI STA. MARIA AT BANGS GARCIA!

  1. Bakit ngayon lang niya ito ginawa at pinatagal pa! Parang gimmick tuloy ang kalabasan. Hoy Ajino Moto magpakatino ka na. Cheap ng ginawa mo. Dinumihan mo pa ang pangalan ni Jodie Sta Maria na nanahimik lang. Noon pa sana sa simula pa lang na lumabas na ang article na ito, ipinagtanggol mo na kaagad ang mga pangalan nla. At ang baho mo, huwag dalhin sa labas ng bahay mo, doon mo iwanan sa bathroom nyo. Iyan ang tama.

    • Sorry I mean nadumihan tuloy ang pangalan ni Jodie Sta Maria dahil hindi ka kaagad nagsalita at ipagtanggol sila kaagad. I did not mean na dinumihan mo ang pangalan ni Jodie Sta Maria.

Leave a Reply

Your email address will not be published.