Iwa Moto, Darna’s new Valentina

NAGPAALAM PA SA akin ang mga staff ng Startalk kung okay lang daw ba na mag-guest si Katrina Halili sa darating na Sabado para mag-promote ng Rosalinda.

Siyempre, hindi naman ako nagbabawal at wala naman akong balak na talakan ito dahil nailabas ko na ang gusto kong sabihin, tapos na ‘yun.

Meron kasing nagsulat na hindi ko naman kilala kung sino ang nagsulat na ‘yun at kung saan niya kinuha ang intrigang ipinapa-ban ko raw si Katrina sa GMA 7.

Bakit naman ganu’n? Hindi naman yata tama ‘yun at meron ba akong power na magpa-ban ng artista sa GMA-7? Hindi naman ako ang may-ari ng Siyete! Kaloka, ha?!

Welcome na welcome naman si Katrina sa Startalk siyempre, dahil magpu-promote naman ito ng Rosalinda na magsisimula na next week.

Hindi nga lang mapigilan ni Dra. Vicki Belo na ilabas ang sama ng loob nito kay Katrina dahil bakit naman pati siya at ang Belo Medical Group ay gusto pa nitong idamay?

Sabi nga ni Vicki, noong nagkasala si Katrina dahil sa nangyari sa kanila ni Hayden, nag-usap silang dalawa nu’ng nakaraang taon at humingi raw ito ng tawad sa kanya at pinatawad naman niya.

Ngayong lumabas itong sex video, bakit pati naman daw siya idinamay pa dahil hindi naman daw siya ang nagkalat ng sex video na ito.

Sobrang na-harass na nga raw si Vicki lalo na’t kamakailan lang sinugod raw ito ng NBI sa bahay niya at inimbestigahan. Pero wala namang nangyari dahil nandiyan ang abugado niyang si Atty. Adel Tamano.

Ngayon, pinag-iisipan na raw nina Vicki na magsampa na rin ng kontra-demanda laban kay Katrina pero nang nakausap ng Startalk reporter namin si Atty. Tamano, isa lang daw ‘yun sa mga option nila pero hindi pa raw nila ito gagawin sa ngayon. Baka hindi naman daw nila itutuloy ito. Kaya abangan na lang!

BONGGA ANG COSTUME ni Marian Rivera sa Darna, ha!

Nag-pictorial na siya nu’ng Lunes at marami ang na-impress sa Darna costume niya dahil ang sexy. Ito na yata ang pinakaseksing costume ng Darna kaya medyo pressured na si Marian dahil kailangan payat siya lagi para walang lalabas na bilbil.

Ngayong araw ang story conference ng Darna at ang dinig ko, Narda na raw ang gagamitin nilang title.

Magkakaalaman na rin kung sino ang gaganap na Valentina na dinig ko, si Iwa Moto na raw.

Ang daming lumabas na pangalan na gaganap na Valentina nang ‘di matuloy si Katrina Halili. Pero maganda ang napagdesisyunan na si Iwa na ang napili. Mas bata at bagay na kontrabida kay Marian.

Mabuti’t payat na rin si Iwa dahil nagkasakit ito kamakailan lang, dahil sexy rin yata ang costume ng Valentina. Kaya patalbugan ng paseksihan sina Darna at Valentina.

Ang lakas ng feeling kong maganda ang kalalabasan nito, at matatalbugan ang Darna dati ni Angel Locsin.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

22 thoughts on “Iwa Moto, Darna’s new Valentina

  1. paseksihan pala gusto ng GMA, bakit? wala bang acting abilities stars nila? maghubad nalang kaya cla?LoL!

  2. hay nako. isali na naman si angel. pwede namng ipromote without comparing to angel e. galit na galit kay nagel. lagi namn nilang kinakabit kay marian. sabi nga nila. desperate times need desperate measures. i have nothing against marian nor angel. i just think it’s really pathetic to hold grudges. move on people. move on.

    ratings ratings.

  3. Wala naman dapat pa2nayan si Marian kc kung rating lang ng Darna lead Angel e nilampasan na iyan ng Mari Mar ni Marian Rivera. On the issue na Darna naman ang gagawin so wat. Ilan na ba ang naging Darna since then. Yun naman ang pina pangarap ng lahat ng artista ang maging Darna someday just liked James Bond and Superman…

  4. NAIINSECURE SI MARIAN KAY KATRINA DAHIL MASKI NA MAYROON ITONG SEX VIDEO. MAS MARAMI ITONG SUPPORTERS.

  5. BALIKTARIN NA LANG. SI IWA AND DARNA, SI MARIAN
    ANG VALENTINA, AHAS. MAS BAGAY. MARAMI SIYANG INAHAS. KAYA SABI NI DONG, MARIAN WILL YOU BE MY VALENTINE. GUSTO RIN KASI NI DONG, AHAS.

  6. GO ANGEL LOCSIN…,,pati LOBO niu abot sa BANFF AWARDS…at nanalo pa.,,,ANGEL LOCSIN is the best parin pagdating sa DARNA….GO ANGEL..,sikat na sikat kana.,,,habang si maria retokada,pababa ng pababa.,

  7. akala ko ba e ke katrina halili ung valentina.
    e di totoo pala ang tsismis na ayaw ni marian na makasama si katrina.

  8. ewwwwwwwwwwwwwww pinakaseksi daw ????sigurado kayo ????kayo lang namang taga siyete ang nagpapaingay ng name ni Lola na laos na lolololololzzzzz…

    Si Angel,still soaring high :P

  9. Go Marian!
    We love and support u and Dingdong!
    Soar higher!
    Stay humble, nice, friendly, loyal sa GMA7 kasi di ka naman pinababayaan, true na tao di plastik, and healthy.
    WE use some of your endorsements pati mga kamag-anak ko sa ibang provinces solid Marian kasi my mom makes sure kasama yung mga products mo sa groceries, if we don’t use others my mom gives them nalang sa kasama sa bahay.
    DongYan rules!
    AlKris rocks!

  10. sexiest darna costume? yeah, right, sexiest costume kasi hindi sexy ang magsusuot. obvious na obvious naman na puro padding ang upper costume kaya mas malaki pa tingnan ang bra kesa sa panty!

    jan…jan…jan…jan…janan… TANDArna!

  11. ung 52.1 ni angel na rating sa darna ay nalampasan na ni mariane sa marimar 52.6% ung ending nila kya ung marimar ang may pinakamataas na rating sa primetime sa gma….. ok lang na di makuha ng darna ni marian ung 52% at least c marimar p rin ung may pinakamataas ang rating….

  12. tama si manag lolit. Malampansan ni Marian ang rating gaya ng miramar. We like to see Marian sa Darna. Go darna, adios mga haters.

  13. ang sabihin niyo, wala na bang ibang istorya na maisip ang syete at magda-darna na naman, halatang desperado na silang humabol at bawiin ang high ratings nila sa kabila, dahil ba sa nakasilat sila noon sa darna ni angel locsin na umabot sa 52%? palagay ko hindi na mauulit yun, their glory days are over, sawa na ang mga tao sa fanraseryeng liparan nang liparan.. dati decades has passed before they remake the darna para kasabikan, pero ngayon 2 yrs pa lang ang nakakalipas, ire-remake na naman? kakasawa!!

  14. si iwa taba???

    naku eh payat lng skguro sya ngayon, pero naturally bulugan yan, so later babalik n nmn ang natural nyang aparador na katawan…

  15. Ok lang kung si Iwa ang Valintina, coz dami naman daw kalaban ni Darna. Takot ata ang production kunin si Cristine Reyes kc I heard pakawala daw cya sa kabila…

  16. iwa? Iiwanan kayo ng viewers nyan. Why n0t nadine? Hehe ewan lang, ngagalingat at gandahan ko si nadine.

  17. ay ano ba yan wala na bang iba? bakit hindi na lang si ehra madrigal o si michelle madrigal? bakit si iwa pa nakakawalang-gana naman!

Leave a Reply

Your email address will not be published.