Iwa Moto, bagong co-host ni Willie Revillame!

HINDI KAMI close kay Iwa at hindi rin namin siya madalas ma-interview dahil mailap nga siya sa media lalo na noong nakaraang taon dahil sa maraming isyung kinasasangkutan niya.

Pero nitong nakaraang Biyernes, unti-unti naming nakilala ang totoong Iwa. Dumalaw siya sa programa namin sa radio sa 92.3 NewsFM kasama ang kanyang manager. Isang kaswal na usapan ang naganap between Iwa, Nanay Cristy Fermin, Richard Pinlac at Elmer Reyes kasama ang inyong lingkod sa may lobby ng TV5.

Hindi naman ganu’n katagal ang aming pag-uusap, kahit papa’no ay nalaman namin ang damdamin niya.

Noong araw ring ‘yun, sumalang siya sa Wil Time Bigtime bilang guest co-host. Pero isang magandang balita ang nakarating sa kanya. Pagkatapos kasi ng programa, marami ang humanga at nagkagusto sa kanyang galing sa pagho-host kahit parang impromptu ang naganap na pagsalang sa kanya. Magiging regular guest co-host na siya ng show.

At nang makausap namin si Iwa, kinumusta namin ang magandang balitang ito sa kanya. Walang ibang masabi ang dalaga kundi pasasalamat sa magandang break na ibinigay sa kanya ni Kuya Wil. Pagbubutihan daw niya ang kanyang gagawin upang masuklian niya ang tiwala ni Willie Revillame.

Second wind na raw kasi ito ng kanyang karera na naapektuhan ng usapin sa lovelife last year. Breadwinner si Iwa at kailangan niyang kumayod para sa kanyang pamilya.

Goodluck girl, alam naming kaya mo ‘yan!

 

HALOS LITERAL na buong araw naming kasama noong Sabado, January 14, ang international singer na si David Archuleta. Kami kasi ang naka-assign sa kanya upang i-cover ang buong araw niya para sa Paparazzi Showbiz Exposed na umere kahapon.

Napaka-cool ni David kahit talagang punung-puno ang schedule niya. Nagsimula sa pictorial, then sa plug shoot then recording.

Walang bakas ng kapaguran sa mukha ang aming napansin sa American Idol alumni at game na game ito sa lahat ng ipinagawa ng director.

At hindi ito nahihiyang magtanong kung ano ba ang tamang atake sa kanyang gagawin. Feeling namin, Pinoy na Pinoy si David dahil kahit ang themesong nitong ‘Nandito Ako’ ay Tagalog na Tagalog niyang naawit.

Excited naman ang lahat sa pagsisilmula ng taping ng pinakabagong mini-serye ng TV5 na ‘Nandito Ako’ dahil maraming ‘recruits’ na matatawag ang kasama sa show. Una siyempre si David, then si Direk Mac Alejandre na pumirma na rin ng 4-year contract sa Kapatid Network, si Giselle Toengi na matagal nang nami-miss ng kanyang mga tagahanga at ang magaling na aktres na si Aiko Melendez.

Sa February 20, naka-takdang i-ere ang naturang mini-serye.

 

ESPESYAL ANG paghahandang gagawin ng TV5 para sa wedding coverage nina Konsehal Shalani Soledad at Congressman Roman Romulo na mapapanood sa January 29, 2012 sa Paparazzi Showbiz Exposed.

Abangan!!!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

10 thoughts on “Iwa Moto, bagong co-host ni Willie Revillame!

  1. Wala na kasing career yan c iwa moto kaya nagbaka sakali sa tv5. Awa nmn ni kulafu nakapasa cya kay wil time big time. Super pasaway kasi yang babaing yan.  Sa Starstruck palang pasaway na.  Kaya now wala ng career.  Kung bastusin man cya ni wil time big time, I’m she won’t mind, kc mukha nmn cyang bastusin sa trulili lang.

  2. hahahaaha puro galit ang tao d2 kay kay wil baka ndi nabigyan ng pera or baka inggit kasi wawa naman ang fav.nilang hyy tsugi na sa jan.30?kaya ang pinagiinitan ay si wil mas masama pa ata kyo sa lahat ng binabanngit ninyo hahahahaaha magdasal na lang kyo baka maging mabait pa kyo!!!

  3. I would much rather see Iwa Moto than Mariel. At least I know she’s for real. Mariel is no doubt as transparent as my credit card. . .Plastic.

  4. may bago na namang babastusin itong si revillame na ito. sigurado yan. wala ng pag asa maging mabuting tao tong si revillame.

  5. may haharassin na naman si willie? sino daw? si iwa ajinomoto na pinagsawaan ni mickey mouse ablan at iniputan sa ulo ni janana dominguez

Leave a Reply

Your email address will not be published.