Parazzi Chikka: Iwa Moto, ang present ang boyfriend na ang pakakasalan?

Matagal-tagal na rin ang relasyon nina Iwa Moto at ang non-showbiz boyfriend nito na si Mickey Ablan. Madalas maispatan ang nasabing nobyo sa mga showbiz commitments ni Iwa.

Sa grand launch ng Posh Nails sa Oracle Bldg., Katipunan noong February 23 ng gabi, proud na proud si Iwa na bitbitin ang kanyang boyfriend. Ipinakita pa nga nito sa mga tao ang tattoo ng jowa with her name on it. O ‘di ba, bongga?! ‘Tila sure na sure sila na forever na ang kanilang relasyon. Naman!

Obvious na happy and contented ang sexy actress sa kanyang career at lovelife. Ok nga ‘yung nababalance niya ang lahat. Hmmm… sana lang forever na talaga sila ni Mickey para hindi naman masayang ang pagpapatattoo niya, ‘di ba? Baka mamaya kung mag-break sila, maasIWA na siya sa tattoo niya! Hekhekhek

By Mica Rodriguez

Photos By Luz Candaba

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

One thought on “Parazzi Chikka: Iwa Moto, ang present ang boyfriend na ang pakakasalan?

Leave a Reply

Your email address will not be published.