It’s Over!

<strong>Angelica-Derek</strong><br>TUMAGAL DIN ng almost six years ang relasyong Angelica Panganiban-Derek Ramsay, na sabi nga nila, kasal na lang kulang. Nagsimula ang usap-usapang hiwalay na ang dalawa nang biglang lumipat si Derek sa TV5 na ikinagulat ng lahat, pati na ni Angelica. Nang lumabas ang isyu na totoong hiwalay na ang dalawa, hindi agad nagkomento si Angelica. Ngunit dahil na rin sa pangungulit ng kanyang followers sa twitter, sinagot niya rin ang tungkol sa kanilang hiwalayan. Ayon kay Angelica, hindi niya alam ang paglipat ni Derek sa TV5 at masasabi natin na ayon sa mga tweets niya, nagkalabuan sila marahil na rin sa mga babaeng nakapalibot sa hunk actor. Ayaw na ngayon magkomento ni Derek dahil may respeto pa rin daw siya kay Angelica, at itinuturing pa ring kaibigan ang dalaga. Mayroon naman ngayong kanya-kanyang lovelife na ang dalawa. Si Angelica na mukhang masaya na sa piling ni John Lloyd Cruz at si Derek na nakikipag-date na sa isang non-showbiz girl.

Picture 1 of 5

By Janelle dela Cruz

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.