Itinatakwil na raw nina Daisy Romualdez at Manny Paner Danita Paner,
bastos at walang utang na loob?!

OLA CHIKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly. Bonggang-bonggang eksenador at talaga namang walang katapusang mabubuwang ka sa Earth!

Kasi ba naman, nu’ng Linggo, pagkatapos ng program ko sa DZRH.TV, dumating ang kumareng Virgie Balatico sa station. Una, kumustahan at kung nagkita na raw kami ng kumare naming si Imelda Papin, kasi nandito na raw at panay ang show. Last daw na show niya, sa San Jose del Monte City sa Bulacan, kasi may bahay siya roon, at balak yatang kumandidato si Imelda Papin as congresswoman sa nasabing lugar.

Anyway, pagkatapos ng kumustahan, ayun nga, litanya niya tungkol kay Danita Paner na mabait daw kuno sa TV, pero sa personal, nagsabog ang Panginoon ng kasamaan sa mundo at sinahod ng batang ito.

Nakikinig lang ako, kasi hindi ko naman ito kilala personally. At biglang nakisali si Morly Alinio na wala na raw project ang batang ito sa TV5, at hiwalay na raw ito sa ka-live-in na si Kean Cipriano, ang dating papa ni Alex Gonzaga.

Heto na ang litanya ni Mareng Virgie. Una, nu’ng birthday raw nito, dumating ang isa sa matalik na kaibigan ni Daisy Romualdez at binigyan pa ng datung si Danita. Nakalagay sa sobre na 10k ang laman. Ngayon, nakiusap yata ito kay Daisy na magsagala somewhere in Bataan na may TF na 50k. Ayun, pumayag si Daisy alang-alang sa matalik na kaibigan, at wala namang commitment itong si Danita.

Kumustahin mo? Nu’ng araw na ng sagala, tumawag yata si Annabelle Rama, na hanggang ngayon ay manager pa raw  ni Danita, na hindi matutuloy kung hindi 80k ang TF. Ayun, kinagabihan, karay-karay ni Danita ang kanyang mga friend na non-showbiz sa isang gimikan, kaya halos matunaw sa kahihiyan si Daisy.

Pangalawa, birthday ng kanyang father na si Manny Paner, dumating ang mga kaibigan ni Daisy – sina Amalia Fuentes, Nadia Montenegro at Divina Valencia, mga movie press – at dumating si Danita na kasama na naman ang mga barkadang non-showbiz. Umakyat sa taas nang hindi man lang nagbigay-galang sa kanila at hindi man lang bumati sa kanyang ama.

At nu’ng kantahan na, halos lahat ay kumanta. Nu’ng nag-request ang birthday celebrant na si Manny Paner na paunlakan man lang ni Danita na kumanta, ayun, parang walang narinig. Marami ang nakapansin sa nangyari na parang napahiya si Manny paner sa inasal ng kanilang ampon. Kaya kinabukasan, nagpahayag si Daisy at pumayag naman si Manny Paner na ‘wag nang gamitin ang Paner at Gomez na apelyido nila, kasi ayaw na nilang maging ampon ang isang engratang si Danita.

Nagtanong ako kay Mareng Virgie na kung sa palagay ba niya, hindi kaya nasusulsulan ito ni Annabelle? Kasi ito ang dahilan ng hindi pagkakaunawaan nina Daisy at Annabelle nu’ng sabihin ni Annabelle na bumagsak daw ang career ni JC de Vera kasi hinila pababa ni Danita. Ayun, nag-alimpuyo sa galit si Daisy at ipinagtanggol ang kanyang anak-anakan.

Buo na raw ang isip ng mag-asawa na pababayaan na nila itong si Danita, kasi sobrang tigas ng ulo. Baka raw nagda-drugs na ito. At kaya pala napunta sa kanila si Danita, iniwan lang sa kanilang pinto ang sanggol at hindi alam hanggang ngayon kung sino ang ina ni Danita.

Sabi ko kay kumareng Virgie, sorry, hindi ko siya kilala. Pero ito lang ang masasabi ko kay Danita, wala siyang utang na loob. ‘Yun na!

 

ANOTHER CHIKKA na naman itong mas nakakaloka! Kumustahin naman natin itong nakawiwindang na tahasang sinabi ni Sharon Cuneta na wala siyang tiwala mismo sa kanyang asawang si Sen. Kiko Pangilinan kung ito ang mag-eendorso sa kanya na kumandidato bilang senador.

Nu’ng sabihin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ini-endorso niya si Sharon bilang senador, walang kagatul-gatol na yes, as in yes talaga. At naging estudyante pala ni Sen. Miriam si Kiko na medyo nasa level lang ang talino. In short, hindi kumbinsido si Sen. Mir- iam sa talino ni Sen. Kiko. Mas pinapaboran pa niya si Sharon, kasi parehas daw silang magbasa ng libro, kaya waiting galor tayo.

Kasi sa aking palagay, tatakbo sa Senado, kung hindi man ay mayor ng Pasay, itong si Sharon. Ang nakakaloka, dati-rati ay paiyak-iyak ang nakikita sa show niya, ngayon naman, tawa nang tawa, kahit hindi nakakatawa. Hahaha! ‘Di ba?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

loading...

22 thoughts on “Itinatakwil na raw nina Daisy Romualdez at Manny Paner Danita Paner,
bastos at walang utang na loob?!

  1. HOY SWARDING! LUMA NA YANG BALITA MO! AT NNANGANGAHOY KA LANG NAMAN SA BALITA NG IBA! MAGKABATI NA SINA DANITA AT DAISY ANO! AT SI SHARON, MAS MAGANDA ANG SSHOW NYA NGAYON ANO! IKAW ANG BASURA! PANGIT! TUYOT NA BAKLA!!!!

      • please tantanan nyo na si swardongis!! di man sya mag nanakaw,holdaper,killer, eh ibigay n lng natin sa kanya yung kung saan sya yayaman at liligaya.. nakita naman natin na ang tangging pinang kukuhanan nya ng pera ay yung mga column na ganito mga paninira sa kapwa tao (sandale Tao nga ba sya??). by the way palitan mo n rin pala yung picture mo dyan swarding!! kulang n lng hihiga ka na sa Kabaong yung Make up mo kase dyan pang patay kakalokah kahit itanong mo pa kay Sweet,Ogie diaz,And BBgandang Hari?!! di nga!!

  2. kahit ampon sya super spoiled yan kay Daisy. Pinag-aral sya and they treated her like their own daughter pero puro kabastusan ang iginanti nyan. 

    • KAYA MAHIRAP MAG-AMPON NG BABAE KC KAPAG LUMAKI NA YAN AT NAHALING SA LALAKE SUSUWAGIN NYAN PATI MGA MAGULANG NA UMAMPON SA KANYA.

      • Kahit di ampon maraming ganyan n ngyon!! nakuh nakikisabay n sa estado ng pagiging Liberal at domenante sa buhay…Kay Sarah Geronimo lng ako Saludo!!! sa edad nya di pa nasusubukan ang mga Bed Scenes and lips to lips n yan sa buhay nyang 23 years old!!! sabe ng iba kaka awa daw sya.. nop! masunurin lng n bata at may respeto sa mga magulang at sa sarili.. kahit badoy pa sya manamit na sinasabe nila! kase daw balot n balot kung mag perform.. eh so what! talent po ang tinitingnan dun hindi yung imahinasyon ng mga lalake!!

  3. bastos talaga yang si Danita at mukhang pera katulad ng manager nyang si Annabel. Lasengga yan at palagi daw minumura ang driver nya. Nagtanan na yan dati  with her former bf (not JC)   tapos binawi ni Daisy. Sorry pero kahit anong gawin ng TV5 hindi sisisikat ang babaeng ito.

  4. pag magaampon ka, dapat ituring mo na tunay na anak, hindi pefekto yung tao, may mga pagkakamaling gagawin, at kung parating sasabihin mo na ampon lang, ampon din ang trato sa iyo. ang tunay mong anak iyan, hindi basta basta mong itatakwil ng ganon ganon lang.

  5. Teka di ba si Amalia Fuentes ang mudra ni Liezl Martinez? Nahilo ako sa comment ni Beth, dinamay pati si Liezl. haha

  6. Nalito ako kay Beth. Hindi ba si Liezl Martinez, anak ni Amalia ? Bakit parang lito itong si Beth ? Pati tuloy ako, litong lito.

  7. bakit? kailangan pang i advertised kay Swarding, ampon ka ng ampon tapos pag nagalit ka sa inampon mo,e du dump mo ,wala ka rin puso Daisy ano,nakakatakot kang maging ina,paano mo nga ba pinalaki yun ampon mo? I hope and pray sumikat ka Danita,and dapat magisip ka na Danita ng magandang surname kasi,your adopted mother daw will remove Paner as your surname ,Im so blessed that I have kindhearted ,unconditional adoptive parents,not like yours Danita,i feel sorry for you.

  8. Well,porke ba kayo ang nagampon eh may karapatan na kayong magasawa na talian siya sa liig,in the first place paano no pinalaki yun bata,esp Daisy baka very controlling ka masyado,magkaibigan nga kayo ni AmaliaAt tsaka Daisy bakit mo pinag artista si Danita,kaagad dapat pinagtapos mo muna ng college siya,para ka si Nadia, pala gusto pagkakitaan yun mga anak nya ,hay naku buti pa si Lotlot at monching kahit hiwalay ,nakatapos yun maganda nilang anak.Huwag na kayong magampon kung ganyan ang ugali no nakakahiya kayo para kayo si swarding ,Cristy

  9. ito ba yung bata noon na inampon nila daisy romualdez nung mawala sa kanyang poder si tina paner?  nung teen ager pa si tina paner tapos nalaman niyang ampon lamang siya at ang tunay niyang ina ay ang kapatid ni daisy then nwala siya kay daisy at umampon ng bago ,  Siya ba ito?

  10. MATAPOS AMPUNIN, PINAG ARAL, BINIHISAN, BINIGYAN NG KOTSE PINATIRA S MANSYON ITO ANG IGAGANTI NIYA SA MGA TAONG NAG AMPON SA KANYA? PWE. DAPAT PALA NUNG SANGGOL KA PA AT ITINAPON NG SQUATTER NA MAGULANG MO SA HARAPAN NG BAHAY NILA LHIEZEL MARTINEZ/ MS DAISY DAPAT SA BAHAY AMPUNAN KA NA LANG DINALA. NAPAKA SWAPANG MO SA PERA. MANAG MANA KA SIGURO SA UGALI NG TUNAY NA MAGULANG MO. DAPAT KE MS DAISY TUTAL MATANDA KA NA WAG MO PAMAMANAHAN NG KAHIT ISANG SINGKONG DULING ITONG BABAENG INGRATANG ITO IBIGAY MO NA LANG SA MGA ANAK MO KE TINA PANER, LHIEZEL MARTINEZ AT DUN SA BINATA MONG ANAK. HANAYAAN NYO NA YANG BABAENG YAN NA HANAPIN ANG TATAY NIYA SA TONDO AT BAKA NAGNANAKAW PA RIN YUN HANGGANG NGAYON HAHAHA O KAYA SA NANAY NIYANG TAMBAY AT TSISMOSA SA SQUATTERS AREA. DYAN NABABAGAY ANG BABAENG IYAN. PAALISIN NYO NA YAN. TUTAL HINDI NAMAN TAO ANG TINGIN SA INYO NG STARLET NA ITO.

  11. Hay Naku Baklang Swarding, kala ko ba walang kuwenta ang Show ni Sharon,naiyak-iyak at tawa ng tawa kamo? bakit nanonood ka? bawahahahahaha! bitter ampalaya na bakla ka talaga! kahit anung pintas mo kay sharon,may kuwentang tao yan, ikaw???? get a life baklang mapakla! bawahahahahahahahaha!

    • yes talaga naman walang relevance ang show nya kung katulad mo syang plastik magkakasundo kayo sa aking sorry ka na lang mag sama na kayo mas wala kang kwenta sa akin bakit mo binabasa ang column ko litse.

Leave a Reply

Your email address will not be published.