Itinatago raw ang mga anak sa kanya
Sunshine Cruz, kinasuhan si Cesar Montano

HINDI KO pa alam ang buong detalye ng kasong isinampa ni Sunshine Cruz, pero nakuwento sa akin ng mga taga-Startalk na nag-file daw si Sunshine ng kasong Anti-Violation Against Women and Children o Rep. Act 9262 laban sa asawang si Cesar Montano.

Ang dinig ko, may kinalaman ito sa mga anak nila na tinatago raw ni Cesar?

Nakikita kasi sa mga pinu-post ni Sunshine sa Instagram account niya na nami-miss na raw nito ang anak niya.

Na kay Cesar daw kasi ito at hindi pa yata naibabalik kay Sunshine.

‘Yun lang ang nakarating na kuwento sa amin, at hindi pa naman namin nakakausap si Cesar.

Ewan ko kung willing si Cesar na pag-usapan ‘yan dahil malapit na ang airing ng bagong programa niya sa GMA-7 na Akin Pa Rin ang Bukas kaya magkakaroon ng presscon ‘yan na tiyak pipilitin si Cesar na sagutin ‘yan.

Bukod daw sa VAWC na kasong isinampa ni Sunshine, meron din daw Temporary Protection Order na isinampa sa korte laban kay Cesar.

Naku, ha! Usung-uso na ‘yang Rep. Act 9262 at ang TPO na ‘yan ha!

Hindi pa nga tapos ‘yang kina Raymart Santiago at Claudine Baretto, sina Cesar at Sunshine naman ngayon.

Ganu’n na talaga ang uso pagkatapos ng hiwalayan?

Mabuti pa sina Paolo Contis at Lian Paz, naging friends naman sila pagkatapos nilang maghiwalay at nagkakasundo naman sila pagdating sa mga bata.

Siyempre, malaking gastos din ‘yang kaso kaso na ‘yan. Ang ending lang naman ‘nyan magkakasundo din para sa mga bata.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Itinatago raw ang mga anak sa kanya
Sunshine Cruz, kinasuhan si Cesar Montano

  1. This man (Cesar) is a mess.  Kaya pala hindi nanalo sa politics, siguradong nakita ng mga tao ang tunay na Cesar.  Thank goodness hindi nanalo ito pagka politiko, another womanizer in the making na naman sana ang kalabasan.  Ang dami na dun sa Kongreso na mga may mga misteryosong ginagawa, dagdagan pa.  

Leave a Reply

Your email address will not be published.