Itinali ng magnanakaw P150-K natangay sa magbiyenan

AABOT SA P150,000 ang natangay sa tahanan ng isang pamilya makaraang pagnakawan ng tatlong lalaki sa Barangay Parian Oeste, bayan ng Bauang, La Union.

Sa ulat, alas-2 ng madaling araw nang pasukin ang tahanan ng Panlilio kung saan itinali ang magbiyenan.

Nakilala ang mga biktima na sina Alfredo Panlillo, 43, may-ari ng bahay, at ang manugang nito na si Jeffrey Sorianio, 23, kapwa residente ng nasabing lugar.

Sa blotter sa Bauang Municipal Police Station, pinasok umano ng mga magnanakaw ang mga kuwarto ng dalawa kasunod ang pagtutok sa kanila gamit ang hindi pa mabatid na uri ng baril at saka itinali ang mga ito.

Binalutan pa ng mga suspek ng kumot ang mga biktima bago isinagawa ang pagnanakaw.

Natangay ng mga kawatan ang P150,000 na pera, mga alahas, cellphones at iba pang mahahalagang dokumento.

Nabatid na bago napasok ang bahay ay nilason pa umano ng mga suspek ang dalawang alagang aso ng magbiyenan.

Sa ngayon, nagpapatuloy sa kanilang pagsisiyasat ang pulisya sa nangyaring pagnanakaw upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin.  (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.