Itatakas ang mga Anak; Mister, Sinaksak ni Misis

 

ISANG MISTER ang sinaksak ng kanyang misis nang magwala ang una at plano pang itakas ang mga anak sa Naga City kamakailan.

Sumuko naman sa mga awtoridad ang misis na si Marichu Subalde. Ayon sa kanya, hindi na niya kinaya ang pananakit ng asawang si Romeo sa loob ng kani-lang tahanan sa Zone 5, Barangay Concepcion Pequenia.

Nagkadiskusyunan umano ang dalawa dahil sa pagdadala ni mister ng babae sa kanilang tahanan.

Nagwala naman si Romeo at tinangkang itakas ang limang mga anak at sa sobrang galit ni Marichu, binato niya ang asawa ng bato na nailagan naman nito.

Dahil dito, nagalit si mister hanggang sa masaksak naman ni misis sa bahagi ng tiyan.

Aminado ang mga anak na madalas mag-away ang kanilang mga magulang lalo pa kung nakakainom si Romeo.

Sa ngayon, nananatili sa kulungan si Marichu habang nagpapagaling pa ang nasugatang asawa.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.