Italyanong Turista, Nadukutan ng 3 Pick-Up Girls

 

ISANG ITALYANONG turista ang magreklamo sa Caloocan City Police makaraang madukutan ito ng Debit Master Card at leather wallet na naglalaman ng malaking ha-laga ng pera ng isa sa tatlong sinasabing pick-up girls sa nasabing lungsod, iniulat ng pulisya kahapon ng umaga.

Ang nagreklamo turista sa nasabing tanggapan ng pulisya ay nakilalang si Geuseffe Lamberllarde, 37, at pansamantalang naninirahan sa Room 305, Lesson’s Residence na matatagpuan sa # 499 Remedios St., Malate, Manila.

Kasalukuyan namang pinaghahanap ng mga pulis ang tatlong sinasabing pick-up girls na isang nagnga-ngalang Marisol Santos, isang alyas “Rachelle” at isang alyas “Liz”.

Base sa ulat ng pulisya, dakong alas-3 ng hapon nang maganap ang nasabing insidente sa sa kahabaan ng 3rd Avenue ng nabanggit na lungsod.

Ayon sa biktimang Italyano, habang naglalakad siya sa kahabaan ng Malate Manila ay nilapitan siyan ng tatlong nasabing babaeng suspek at isa-isang nagpakilala sa kanya.

Niyaya ng mga suspek ang biktima na gumimik na pinaunlakan naman ng Italyano at habang nakasakay sila ng isang taxi papunta sa Lungsod ng Caloocan, lingid umano sa kaalaman ng biktima na dinukot ng isa sa mga suspek ang kanyang Debit Master card at ang leather wallet na naglalaman ng P97,000.

Pagsapit ng mga ito sa kahabaan ng 3rd Avenue, pumara ang mga suspek at pagkatapos ay mabilis na nagsibaba ng taxi at isa-isang naglaho na parang bula.

Nang kapain ng biktima ang kanyang mga bulsa ay napag-alaman nito na nawawala ang kanyang master card at wallet na kaagad namang nagsadya sa nasabing himpilan ng pulisya para magreklamo.

(ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.