ITALYANONG SANGGANO KALABOSO

DINAKIP AT KINASUHAN ng nga operatiba ng Pasig City Police Station ang isang 29-anyos na Italian national kamakalawa na inireklamo ng pagbabanta at pagwawala habang may dalang baril ng isang negosyanteng kapitbahay nito sa isang residential condominium sa Ortigas Center sa Lungsod ng Pasig.

Ayon kay Sr. Supt. Jesse Lorenzo Cardona, hepe ng Pasig City police, ang suspek na nahaharap sa kasong grave threat ay kinilalang si Alireza Moghayedi y Kookian, may asawa, at residente sa #2606 Corinthian Executive Regency Tower, Ortigas Center, Brgy. San Antonio, sa siyudad na ito.

Sa sumbong ng biktimang si Edwin Babigno y Lavines, 48, negosyante, at nakatira sa #3611 Corinthian Executive Regency Tower, sa kaparehong lugar, pinagbantaan umano siya ng suspek habang nakasukbit ang isang baril sa likod ng beywang nito. Si Kookian ay inaresto ng rumespondeng pulis ng Police Community Precinct 1 na sina P02 Melvin Mendoza at P02 Manzano.

Sa imbestigasyon ni P02 Clemente, naganap ang pagwawala at pananakot ng suspek dakong alas-8:10 ng gabi kamakalawa sa nasabing condominium building na nasaksihan ni Edgar Del Carmen y Silva, security officer ng gusali.

Nasamsam ng pulisya kay Kookian ang isang cal. 380 Taurus pistol na modelong PT 709 at serial number TCS-91770. Ani Cardona, kahit may ipinakitang dokumento ng baril ang suspek ay isinasailalim pa rin ito sa beripikasyon.   (ROMY TUAZON)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.