Italian GF ni James Yap, ayaw makisali sa ‘circus’ ni Kris Aquino

 

photo from James Yap’s Instagram

photo from James Yap’s Instagram

NAG-TEXT NAMAN pala ang girlfriend ni James Yap na si Michaela Cazzola kay Kris Aquino na nag-sorry na hindi ito nakapunta sa birthday party ni Bimby.

Na-appreciate naman ‘yun ni Kris dahil iniiwasan naman ni Michaela na magnakaw-eksena sa party ng anak niya, ‘di ba?

Pero naintriga naman ang mga huling post ni Michaela sa Instagram account niya na kung saan meron nga raw siyang hashtag na #dontwant2bepartofyourcircus. Tinanggal na lang ‘yun ni Michaela dahil nabigyan daw ng malisya ng karamihan kahit wala naman daw siyang ibig sabihin.

Naintriga rin tuloy na nagseselos daw ito sa pagkakaayos nina Kris at James.

Nilinaw naman ito ni James sa Startalk na walang ganu’ng selosan.

Napanood nga raw ni Michaela ang interview na ‘yun nila ni Kris na kung saan umiyak-iyak pa si Kris.

Hindi naman daw mag-react doon si Michaela. Hindi raw nila pinag-awayan ‘yun at wala raw problema ang kanilang samahan.

Sinagot din ni James ang intrigang hindi nila pina-follow ni Michaela ang isa’t isa sa Instagram account.

Sinadya raw nila ‘yun para walang isyu rin sa kanila kung ano ang makikita nila roon sa kanilang IG account.

Mas okay nga ‘yun para walang pressure sa kanilang relasyon.

Saka tingin ko naman, hindi pagseselosan ni Michaela si Kris, no!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Italian GF ni James Yap, ayaw makisali sa ‘circus’ ni Kris Aquino

  1. i think they both loved each other, ma pride at complicated lng masyado c tetay….. if tetay will drop off all the kaartehan, and spend more time with james n family…who knows… magkabalikan pa cla…. for d sakeof bimb…

Leave a Reply

Your email address will not be published.