IT Teacher, Nakitang Patay sa Loob ng Bahay

 

INAALAM NA ng mga pulis kung nagpakamatay o pinatay ang isang Information Technology (IT) teacher nang makitang umagos ang dugo pababa sa inuupahan bahay sa Caloocan City kamakalawa ng umaga.

Dead on the spot sanhi ng tama ng sumpak sa kaliwang sintido si Elton John Roa, 43, ng Baltazar Bukid ng lungsod.

Base sa ulat, alas-5 ng umaga, bibili ng almusal ang kapit-bahay ng biktima na si Nera nang makitang may pumapatak na dugo mula sa bahay ni Roa.

Humingi ng tulong ang saksi sa mga kapit-bahay at nang pasukin ang bahay ng biktima ay nakitang walang buhay habang nasa tabi ang isang sumpak.

Nagsasagawa na nang imbestigasyon ang mga pulis hinggil sa nasabing insidente.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.