Isyu ng DAP, dapat idulog sa SC – Miriam

NANINIWALA SI Senador Miriam Defensor-Santiago na dapat nang idulog sa Supreme Court (SC) ang isyu ng Disbursement Acceleration Program (DAP).

Mainam aniyang ang

Korte Suprema ang maghayag ng interpretasyon ng batas na tinutukoy ng Palasyo sa pagbuo ng programa at paggamit ng P72 bilyong natipid ng iba’t ibang ahensya.

Para sa senadora, labag sa Saligang Batas ang DAP dahil wala ito sa General Appropriations Act at hindi dumaan sa pagpapatibay ng Kongreso.

Sa naturang isyu, impeachable offense aniya ang hakbang ng ehekutibo na gamitin ang savings at ipamahagi sa mga mambabatas.

Pero aminado ang mambabatas na malabong maisulong ang impeachment complaints laban kay Pangulong Aquino dahil sa Kongreso rin ito dadaan.

Ikinatuwiran din ni Santiago na: “If they impeach the president, they would be, in effect, admitting at the very least (that they are) accomplices and accessories to a crime.”

Samantala, posible naman aniyang managot ang alter-ego ng Pangulo na si Budget Secretary Butch Abad para sa kasong plunder, gayundin ang mga mambabatas na tumanggap ng DAP.

Ayon pa kay Santiago, bagama’t maganda ang layunin ng Department of Budget and Management (DBM), bigo itong konsultahin ang abogado para matiyak na naaayon ito sa batas.

“Normally the procedure there would be not to fire the secretary but for the secretary to offer his resignation just to show that he has delicadeza.”

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.