Isyu kay Princess Snell, bawal itanong kay Pacquiao!

ANG DAMING MAGAGANDANG feedback ang natanggap ng mga taga-Party Pilipinas dahil sa maganda nilang show nu’ng nakaraang Linggo.

Independence Day ang concept nila at si Mark Reyes ang nagdirek na kitang-kita namang pinaghandaan nila nang husto. Halos lahat na production number nila ay bongga. Pero ang pinag-usapan nang husto ay ang tribute ni Elmo Magalona sa Papa niya na kung saan sinabayan nito ang MTV ni Francis Magalona na kumakanta ng Mga Kababayan Ko. Pati ang dance steps ni Kiko ay sinabayan niya kaya talagang pinalakpakan ito nang husto habang pinapanood ito ni Pia Magalona na mangiyak-ngiyak din.

Mukhang sisikat nang husto itong si Elmo na lalong dumarami ang fans at ng mga kinikilig sa kanya.

Si Elmo pa nga ang nagpu-promote ng kari-release lang na collaboration album nina Francis at Ely Buendia na In Love and War (ILAW for short).

Pero napanood ko naman sa Tweetbiz na sinabi ni Pia na medyo na-offend daw siya dahil ni-release na raw ang album na ito nang wala man lang pasabi sa kanya.

Nabalitaan ko naman noon na nag-meeting na sila nina Ely pati si Diane Ventura na dating dyowa pero manager pa rin ni Ely at nagkasundo na silang i-release ito.

Kaya nakapagtataka kung bakit nagsalita na ngayon si Pia na wala man lang pasabi sa kanyang ini-release na pala ito.

Mukhang may problema pa rin sila kaya dapat na sagutin ito nina Ely at Diane.

Sumali rin si Elmo sa launch ng album na ito sa Party Pilipinas at Eat… Bulaga! at tiyak na alam naman ito ni Pia. Bakit ngayon iba na ang sinasabi niya? Alamin natin iyan!

DUMATING NA PALA si Manny Pacquiao nu’ng Lunes galing Amerika kasama ang asawa niyang si Jinkee. Kaya ingat na ingat ang mga reporter na tanungin siya tungkol sa panibagong intrigang binigyan daw nito si Princess Snell ng bagong bahay at kotse worth 20 million pesos.

Kunsabagay, sinagot na ni Princess ang isyung iyan at pinabulaanan niya ito. Kaya hindi na raw kailangang palakihin pa ang isyu.

Pero sinabihan talaga ang mga reporter na nag-cover sa pagdating ni Manny na huwag nang tanungin ng mga ganu’ng intriga dahil makasisira pa raw ito sa kanyang political career.

Mas focused daw ngayon si Manny sa pagiging congressman niya ng Saranggani kaya magsisimula na raw siya sa pag-aaral ng Public Administration.

Pumasok ito sa crash course na ibinigay ng Development Academy of the Philippines na nagsimula na rin pala nu’ng araw nang pagdating niya.

Kaya umuwi lang ito ng bahay nila at tumuloy na siya sa DAP kasama si Jinkee dahil nagpa-enroll din ito. Kailangan daw dalawa na rin silang mag-aral ng Public Administration. Ang pagkakaalam ko, pati ang ibang staff ni Manny ay kasabay rin nito sa pag-aaral.

Wala pa raw siyang masasabi kung tuloy ang laban nila ni Floyd Mayweather dahil hindi pa rin sila nagkakasundo.

Asikasuhin daw muna niya ang bago niyang responsibilidad sa kababayan niya sa Saranggani.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

10 thoughts on “Isyu kay Princess Snell, bawal itanong kay Pacquiao!

  1. unang pinangalanan ni swarding si snell huli ka na sa balita lolita laooooooossssssssssssssssssssssss

  2. sobra naman biyuda na nga si pia nilalait mo pa single mother siya kaya very protective siya sa mga anak niya hindi tulad ni annabele rama kaya inaaway ang mga bumabatikos sa mga anak niya dahil sa pera at pera at pera.kaya ang mga anak niya sira ang buhay kahit mayayaman baklang hindi makalabas,anak na nakapatay na ayaw panagutan at isang bruneiyukis na retokadang laos na pinagsisikan sarili niya kay jlc

  3. pia magalona wag k mag pk stage mother dhil kung d nmn cla anak ni francis, wlng ppnsin s mga anak mong mukhang mongoloid!

  4. mahilig talaga si PAKYAW sex manyak nakakawalang gana… para bang nung taghirap sya ay pinangarap nyang lahat na ngayon na may pera na ay gagawan ng paraan. ok lang naman sana congressman pakyaw kung babe ang hilig mo pero konting discreet naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.