Isyu kay Baby James, nakakalakal?!

MABUTI NAMAN at oks ang unang pagsasama ng mag-amang James Yap at Bimby nang mag-joy ride sila last Monday after magbigay ng desisyon ang korte sa visitation right ng basketbolista para sa karapatan niya sa kanyang anak bilang ama.

Tama lang na walang magmamaramot at gawing malaking isyu ang tungkol sa karapatan na ito ng ama sa kanyang anak. Tama rin lang na no comment si Kris Aquino sa pagsasama ng mag-ama na inayunan naman ng publiko sa dami ng mga nag-like sa Facebook at Instagram ni James.

Sana sa susunod, kung may isyu o problema man tungkol sa karapatan ni James sa kanyang anak, sila na lang sana  ni Kris ang mag-resolba. The fact na tinaguriang Queen of All Media si Tetay, hindi maiwasan na sa bawat buka ng bibig niya ay istorya na p’wedeng maging headline hindi lang sa showbiz section ng dyaryo kundi pang-frontpage din.

Para sa ikabubuti ni Bimby, dapat lang na “No Comment!” ang isasagot nila (James at Kris) sa mga tanong na natutungkol sa kanilang anak kapag tinatanong sila ng media.

Sa totoo lang, hindi naman kasi kalakal si Bimby. Ms. Kris Aquino, naiintindihan mo?

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Isyu kay Baby James, nakakalakal?!

  1. tama lang na quite na lang sila mag-asawa pag may isyu tungkol kay bimby. ang anak nila ang biktima dito kung pareho sila magbabangayan.
    May punto ka Mr. RK

Leave a Reply

Your email address will not be published.