Isnatser na Manyak, Dakip

NADAKIP ANG isang snatcher matapos tangkain halayin ang biniktimang waitress  sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Crispin Salaber, 26, ng Pili St., Pangarap Village ng lungsod.

Pahayag ng biktimang edad 29, ala-1 ng hapon, naglalakad siya sa Narra Avenue, Pangarap Village ng lungsod nang hablutin ng suspek ang cellphone ng una.

Hinabol ng biktima ang suspek subalit pagsapit sa masukal na lugar sa nasabing lungsod ay nawala at nagtago si Salaber.

Makalipas ang ilang sandali ay lumitaw ang suspek sabay hatak sa biktima sa mas masukal na lugar at doon ay nagawang maalisan ng pang-ibabang saplot.

Nang papatong na ang suspek ay nagsisigaw ang biktima hanggang sa masipa ng huli ang ari ng biktima na naging dahilan upang makatakbo papatakas ang babae.

Ilang residente at ta-nod ang nakarinig sa sigaw ng biktima hanggang sa magawang masaklolohan ang huli at madakip ang suspek at dalhin sa presinto.

Nabawi naman ang pinakamamahal na cellphone ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.