Isko Moreno, ininsulto si Cesar Montano?!

OFFENDING ‘YONG statement ni Manila Vice Mayor Isko Moreno sa aktor na si Cesar Montano nu’ng maglabasan ang balita na magiging running mate ni Manila Mayor Alfredo Lim si Buboy na puwedeng maging scholar ni Vice Isko si Cesar kung sakaling hindi ito tapos sa pag-aaral.

Tila naging personal ang atake ni Vice Isko kay Cesar nang maglabasan ang balita na if ever tanggapin ni Cesar ang posisyon as running mate ni Lim, direktang katunggali ni Vice Isko si Buboy come May 2013.

Sa mga hindi nakakaalam, Lyceum of the Philippines graduate si Cesar. Sa katunayan, noong nasa kolehiyo pa lang ito at nagsisi-mulang pasukin ang showbiz, nakikita namin siya sa Kalye Aduana kung saan palagi ka-ming naroroon ng kaibigang Jobert Sucaldito sa Intramuros during school days in the early 80’s, kung saan may dinadalaw kaming mga kaibigan kapag napapadpad naman kami sa Metropolitan Theatre para dalawin ang long-time friend namin na si Kuya Boy Abunda noon na publicist ng MET during the 80’s.

In bad taste ang paglabas ng statement ni Vice Isko para kay Buboy. May tonong insulto para sa aktor.

Pero hindi na nag-react si Cesar dahil edukado, tumahimik na lang ito.

Pero from a source, is it not true na ang sinasabing pag-aaral ni Vice Isko sa Harvard University ay hindi isang full course on Public Administration but two weeks certificate course lang na hindi naman talaga masasabing “ Educated in Harvard” ang dapat na imahe o itawag sa Vice Mayor ng Manila?

GELLI DE Belen is still a fulltime mom sa dalawang binatilyo nila ng mister na si Ariel Rivera.

Last Friday kung saan isa siya sa mga guest judge sa Artista Academy, she told us na hatid-sundo pa rin niya ang mga anak nila na nag-aaral sa Ateneo Grade School.

Sa mga hindi nakaaalam. Walang kasambahay sina Gelli at Ariel. Both of them ang gumagawa ng gawaing bahay at sa pagpapalaki ng mga anak nila kahit noon pa man.

Siya mismo ang naghahantid sa mga bata kahit daily ang show niyang Face to Face na pansamantala ay ipinaubaya ng Kapatid Network at ni T’yang Amy sa kanya.

Napanood namin si Gelay at aliw kami sa natural niyang reaksyon sa mga eksena habang nagbabangayan ang dalawang kampo na nagtatalo.

 

MUKHANG MAY ere na yata itong si Paulo Avelino.

Sa nakaraang press launch ng pinasosyal na “gay bar show”, ang Cosmo Bachelor Bash, after ng presscon, biglang kumaripas ng alis ang aktor at hindi man lang nagpaunlak sa presscon organizer na magpakuha ng group pictures kasama ang iba pang mga male celebrities na makakasama ni Paulo sa show.

Sabi ng ilang mga press na naroroon, takot daw ang aktor na mahalukay ng “tabloid media” ang tungkol sa balitang hiwalayan nila ng live-in partner na si LJ Reyes, bukod sa balitang hindi raw suportado ni Paulo ang anak nito sa Kapuso star.

By the way, sa naturang “pa-sosyal” na gay bar show A.K.A. Cosmo Bachelor Bash, off-limits daw ang mga tabloid media.

Hello!
Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

13 thoughts on “Isko Moreno, ininsulto si Cesar Montano?!

  1. MAGKANU NA KAYA ANG NET WORTH NI ISKO NGAYON AT BAGO SYA MAGING PULITIKO??? TIGAS NG MUKHA NG ANIMAL NA YAN WALA NAMANG NAGAGAWANG MABUTI SA MAYNILA PAREHO LANG SILA NI LIM BINABABOY AT GINAGAWANG BASURA LANG ANG MAYNILA!!! NAKAKAHIYA NATURINGANG CAPITAL NG PINAS PURO BASURA, MABAHO AT ILLEGAL VENDOR SA BAWAT KALYE MAKIKITA MO YAN ANG SASALUBONG SA MGA TURISTA MGA BASURA AT MADUDUMING KALYE NG MAYNILA PWE!!!!!!!!!!!! PAREHO SILANG BULOK AT NAGBUBUTAS LANG NG BANGKO!!!! IMBES NA PAGANDAHIN AT GAWING KAAYA AYA ANG MAYNILA LALONG NABUBULOK AT PUMAPANGIT MAYNILA PWEEE ENAKAKDIRI TALAGA ANG MANILA NGAYON BUTI NA ALNG DI NA AKO DYAN NAKATIRA ANG BAHO BAHO AT ANG DUMIDUMI! YUNG MAGREREACT WAG KAYONG IMPOKRITO DAHIL TOTOO LAHAT NG SINASABI KO MGA ULOL!

  2. Nung hindi pa nagpapahayag na tatakbo c Erap na mayor sa Manila, itong c Isko eh all praises kay Mayor Lim. Walang masamang tinapay ika nga. But nung mag announce ng candidacy c Erap at sumapi itong Isko sa team ni Erap, aysus ang tingin nya kay Mayor Lim eh demonyo na. Walang utang na loob itong taong ito. I just hope n pray na sana hindi ka na manalo sa susunod na eleksyon. Yung iniinsulto pla nya eh mas mataas pa pinag aralan a kanya. Hindi lang nagyayabang katulad nya. Ambilis mo magpalit ng kulay. Sa kangkungan ka pupulutin after 2013 election, mark my word Isko Moreno.

  3. Si iskho umabang nang madikit kay former President Joseph Estrada. Si Cesar, never ko narinig na nagmayabang.
    Remember, ang mga walang utang na loob hindi nagwawagi. Di ba si Mayor Lim ang may bitbit sa kanya para matutuo sa Manila politics?
    Ngayon siya ang kumakalaban.
    Hindi ba alam ni Iskho na college graduate si Cesar at ang alam ko may Master Degree siya na natapos niya sa UST.

  4. Hambog talaga yang si isko. Ang dami namang ghost employees. Threatened ang damuho dahil malapit na syang makulong! Kahit tumakbo o hindi si Cesar sirang sira ka na sa Maynila AMININ!!!

  5. Si Cesar ay graduate ng civil engineer at nag-master sa mascom. Sta. Ana girl ako at kilala ko sya. Di pwedeng ismolin ang education nya dahil sya ay collage graduate at abugado pa ang kanyang tatay.Isko Moreno ano ang pinagmamalaki mong edukasyon? Hindi ka nga makapagbitiw ng kahit isang sentence na english?!! kahit sinong may pera pwedeng magaral dyan sa harvard ng short course. 2 linggo lang nga yan! wag ka mayabang isko baka nakakalimutan nating dyowa ka lang nman dati ni German Moreno. hahahahahaha!

  6. Tarantadong Isko Moreno ininsulto pang Bolhanon eh,, kahit tumakbong VMayor yan sa Menila talo rin yan,, Di linya ni Sano Montano ang Politics, Senator Talo sya,, Governor ng Bohol talo. Lalo sa VM sa Menila talo rin yan. Alam mo naman sa Manila kelangan me pera ka,,Eh ala ng datung yan si Sano Montano,,, Parehas yan sila ni Ipe Salvador na mga walang Apil sa Masa.

  7. Mukhang tuloy na tuloy na ang pagiimbistiga ng DOJ sa mga ghost employees. Isa na rito ang sinasabi nilang Vice Mayor na maraming GHOST EMPLOYEES. Isko Moreno, kurakot ka, kabata bata mo pa. Sinaksak mo pa sa likod si Mayor Lim. Sana makulong ka, magnanakaw ng pera ng bayan. Sana matalo ka sa election.

Leave a Reply

Your email address will not be published.