Iskedyul at mga Pagbabago sa Bar Exam, Isinapubliko

UMABOT SA 1,636 Bar personnel ang nangasiwa sa 2011 Bar examinations na ginawa kahapon sa University of Santo Tomas (UST) sa Sampaloc, Manila, na inaasahan namang magtatapos sa huling linggo ng buwang kasalukuyan.

Layunin ng pagtatalaga ng nasabing bilang ng Bar personnel na matiyak ang kaayusan ng proseso para sa pagkuha ng pagsusulit ng 6,200 candidates.

Inaasahan kasi na magkakaroon ng ilang adjustment dahil bukod sa bagong lugar na pinagdarausan ng eksaminasyon, mula sa De La Salle University ay ginagawa na ito sa UST; nabago rin ang petsa mula Setyembre, patungong Nobyembre; habang ang mismong pagsusulit naman ay gagamitan na sa multiple-choice na pamamaraan.

Dahil dito, maagang inilabas ni Associate Justice Roberto Abad, Chair ng 2011 Committee on Bar Examinations, ang naging schedule.

Unang araw (Nov. 6): Political and International Law, and Labor and Social Legislation (umaga) and Taxation (hapon); Ikalawang araw (Nov. 13): Civil Law (umaga) at Mercantile Law (hapon); Ikatlong araw (Nov. 13): Remedial Law, Legal Ethics and Forms (umaga) and Criminal Law (hapon); Ika-apat na araw (Nov. 27): Trial Memorandum (umaga) and Legal Opinion (hapon).

Batay sa balangkas ng pagsusulit, ang Political Law ay bibigyan ng 15 porsyento, ang Labor Law naman ay may 10 porsyento, ang Civil Law naman ay may 15 porsyento, ang Taxation naman ay may 10 porsyento, ang Mercantile Law naman ay 15 porsyento, ang Criminal Law ay may 10 porsyento, ang Legal Ethics/Forms ay may limang porsyento lamang, habang ang pinakamataas naman ay Remedial Law na may 20 porsyento.

(Parazzi Reportorial Team)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.