Isinuka na sa pinanggaling network, ‘di pa nadala: TV personality, isinisuka na rin ng home studio dahil sa work attitude!

FOR PURPOSES of misleading our subject’s identity ay hindi namin babanggitin ang kanyang kasarian.

Malapit nang buminggo ang TV personality  (TVP) na ito sa isang may mataas na puwesto sa programang kinabibilangan niya, sagad na rin kasi ang pasensiya ng huli sa work attitude ng bida sa kuwentong ito. Kung tutuusin, hindi na bago ang istorya tungkol sa quirks ng TVP, “isinuka” rin kasi siya ng kanyang pinanggalingang istasyon dahil sa kanyang maangas na ugali.

Ang nakapagtataka, this TVP had long travelled to a network na kumupkop sa kanya, and yet for several years now ay bitbit pa rin niya ang kanyang bagaheng punumpuno ng asal na ‘di kagandahan, yes, much to the dismay and disgust of his/her co-workers.

Based on numbers, however, walang kakampi ang TVP from amongst the staff. Hindi nakapagtataka kung isa sa mga weekend na ito ay hindi na mapapanood ang TVP, as sanctions against his/her unprofessional behaviour are in place which he/she so rightfully deserves.

Clue? Ayaw ni Bella Flores ng ganyan!

(By Ronnie Carrasco III)

loading...

33 thoughts on “Isinuka na sa pinanggaling network, ‘di pa nadala: TV personality, isinisuka na rin ng home studio dahil sa work attitude!

  1. butch? claudine? possible. pero sabi sa clue di ba ayaw ni bella flores ng ganyan. san ba kilala si bella flores? sa pagiging kontrabida. ano ba ang ayaw ng bida? di ba ang HERO? isinuka din yun ng dating home network nya di ba? sabi pa may bagaheng asal na ni maganda. remember na malaki ang galit sa kanya ni sandara park. sandara is so nice to everyone so kung may hindi sya makakasundo, it’s got to be someone who’s not nice. guess ko lang.

  2. BUTCH FRANCISCO

    BUTCH FRANCISCO

    BUTCH FRANCISCO

    BUTCH FRANCISCO

    BUTCH FRANCISCO

    BUTCH FRANCISCO

    Kasi nagkaroon ng isyu kay Lolit Solis yan. Nag-away sila napanood namin. Sabi ni Lolit baklita daw si Butch

  3. Boy Fabunda dating GMA now ABs
    Bangel Focsin same
    Biza Falzado same
    Blaudine Faredo Abs to Gma
    Bolina Fagdangal same
    Bark Fautista same

  4. chos! ang gagaling naman nyong manghula; bakit di na lang kayo umistambay sa may quiapo church at wag nyong kalilimutan magdala ng tarot cards at isang silya para sa mga kliyente nyo…lol!

  5. WEEK END as in week end showing ng Toda Max ng ABS CBN kung saan supporting ROLE si ANGEL LOCSIN! Sure na, si Angel Locsin ang blind item ni tita Ogz.

  6. ano ba kayo, ang eengot nyo…si Angel Locsin iyan. Ingrata kaya iyan…yung ngang nagluwal sa kaniya ikinahihiya.

  7. VICE GANDA..Weekends daw e..clue “di kagandahang asal”, at di binanggit ang kasarian either his/her kasi bakla..kaso san station siya galing???

  8. WILLIE REVILLAME parang suka rin ang pagmumukha nyan eh ubod ng yabang hayop nayan..nagkaroon lang ng pera umasta kala mo kung sino na..marami dyan mas mapera sa kanya di naman ganyan umasta palibhasay kc nagulat sa pera hahaha kapal ng mukha..bagay kayo ni Cristy (Lucyfer-min) eyot kayo nyan kc bagay na bagay kayo hahaha mga walang kwenta..pweeeeee 

  9. ANGEL LOCSIN. Kita nyo naman, member daw siya ng asap kapamilya, pero kelan naman huling napanood sa asap ang tinagurian ingrata?

  10. Hinde na magbabago si WILLY! Wala na….ABS CBN created a monster— there’s no stopping na, tapos sinalopa ng TV5.

Leave a Reply

Your email address will not be published.