Isinangla noong nangampanya ang namatay na kapatid: Ari-arian ng pamilya ni Angelika dela Cruz, iniilit na?!

STILL REELING FROM the tragic death of her brother, sana’y unti-unti nang makabangon si Angelika dela Cruz. Back to work na siya sa kanyang primetime teleserye, an indication that work can be therapheutic as a cure-all to any human adversity.

Pero tila may kinakaharap palang matinding problema si Angelika, that with all due respect to her ay patanong na lang iisa-isahin ng inyong lingkod.

Gaano katotoo na ‘yung kanilang ari-arian sa Malabon ay nakasangla upang tustusan noon ang pangangampanya ng kanyang nasirang kapatid na si Edward? Bagama’t nagwagi namang konsehal si Edward sa naturang siyudad, binawian ba ang pamilya dela Cruz because of the pawned property?

Gaano katotoo na nito rin lang natuklasan ng pamilya na nakasangla ang naturang property, na hindi ba dapat ay ang mga magulang nina Angelika at Edward ang siyang unang makaalam? To make matters worse, may mga babae umanong naghahabol na nabuntis ni Edward, bakit at paanong ang lahat ng ito’y ngayon lang naglalabasan?

Sa ngayon daw ay may sakit ang isang kapatid ni Angelika, idagdag pa raw ang umano’y malubhang kalagayan ng kanyang ama. Kung totoo (sana’y huwag naman), how is Angelika dealing with all these problems na animo’y sinusubok ang kanyang katatagan?

Bahagi si Angelika ng cast ng Pilyang Kerubin ng GMA, if caught in this precarious situation, sana’y may isa ring anghel na maggagabay sa kanya aside from her brother who’s surely up there in heaven.

SUPERSTITIOUS MUMBO-JUMBOS HAVE it na may dalang katatakutan ang Friday the 13th, but don’t look now – and elsewhere – dahil titindig din ang inyong balahibo this Wednesday the 14th as Star Cinema’s Cinco takes you to the most frightening experience you have ever imagined.

Literal na bawat bahagi ng inyong katawan ay manunuot sa takot, as all five episodes bear human anatomy titles. Gusto kong i-relate ang mga episode titles to the medical experts in a way na ipino-promote ko na rin ang kanilang services.

Pasok sa Belo Medical Clinic at Calayan ang Mukha episode ni Mariel Rodriguez, ewan ko lang kung may mukha siyang ihaharap sa maugong na tsikang nag-li-live in na sila ni Robin Padilla, ang lalaking ipinalit niya umano sa nobyong si Zanjoe Marudo.

Touched kaya si Vivan Sarabia na sponsor nina President Noynoy Aquino at Boy Abunda sa Mata episode, kung saan tampok sina MaJa Salvador at Rayver Cruz? To the cardiologists out there, magustuhan n’yo kaya ang Puso episode ni Zanjoe Marudo? Teka, nakanino ba talaga ang puso ni Zanjoe while carrying on an affair with Mariel?

Sa Braso episode naman, tampok ang tinaguriang Gigger Boys na sina Sam Concepcion, AJ Perez at Robi Domingo. Sana’y within arm’s length na rin ang kanilang pinapangarap na tagumpay. As for the Paa episode featuring Jodi Sta. Maria, my feet are already shaking in fear.

YEARS AGO, A Chinese couple lost a daughter to a rapist-killer. Natagpuan ang bangkay ng batang babae na nakasilid sa isang maleta. Ito ang backdrop sa likod ng episode titled Ang Bata sa Maleta ng programang Moomoo And Me, kung saan mula nang nabili ni Yolo ang isang gamit nang suitcase ay malimit nang magpakita ang kaluluwa ng isang batang babae kina Junjun, Santi at iba pang miyembro ng kanilang gang. With Celebrity guest Valerie “Bangs” Garcia as Mrs. Elena Santos, the gang tries to unravel the mystery behind the suitcase. Abangan bukas sa TV5.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

9 thoughts on “Isinangla noong nangampanya ang namatay na kapatid: Ari-arian ng pamilya ni Angelika dela Cruz, iniilit na?!

  1. Ganda pa rin ni Angelika, walang kupas.

    God bless you and your family, sana malampasan niyo ang dagok ng buhay.

  2. Nakakaawa at nakakalungkot ang nangyari at nangyayari sa pamilya ni Angelika. Namatayan nang kapatid, maysakit na malubha ang ama at isa pang kapatid, at ngayon naman, baka mawalan nang ari arian na ipinundar nang magulang. Sana naman makabangon sila kaagad. Masakit at mahirap ang pinagdadaanan nila ngayon. SA MGA NAG PO-POST TUNGKOL RITO, SIGURO NAMAN, HUWAG NA MUNA TAYONG MAG COMMENT NANG MASAMA. IPAGDASAL NA LANG NATIN SIYA. I WOULD NOT WISH THIS TO HAPPEN TO ANYONE. GOD BLESS , ANGELIKA.

  3. ay totoo na nakasangla kumare sya kase ng kamaganak ko nghhirap na nga raw sila eh kundi dahil lang sa asawa nya nakakaraos sila

    • hndi nmn sana totoo nka2lungkot ang balitang gnito…pero bkit nga ba kung kailan wala na tsakanagla2bsan lht?

Leave a Reply

Your email address will not be published.