Isda, pambayad-puri

NAGPALIWANAG ANG huwes na kasunduan sa pagitan ng biktima at ng akusado ang pagbabayad ng isda kada araw kapalit ng rape case na kinakaharap nito sa lalawigan ng Catanduanes.

Sinabi ni Judge Lelu P. Contreras ng Virac Regional Trial Court, Branch 43 na ang kasunduan ng dalawang panig ay parehas na sinang-ayunan ng bawat isa na magsuplay ng isda imbes na bayaran ng pera ang pamilya ng biktima ng salarin na si Severino Galicia Bragais.

Akusado si Bragais sa panghahalay sa kanyang 43-anyos na hipag sa Sitio Maslog, Barangay Dariao, Caramoran.

Umabot din ng 10 taon ang kanyang pagtatago sa batas hanggang sa mahuli ito ng Catanduanes Police noong nakaraang Disyembre 2012.

Samantala, sa kasagsagan ng pagdinig, nagkasundo na lang ang magkabilang panig sa ganoong sitwasyon na agad namang pi-naboran ng korte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.