ISANG TULOG NA LANG: “I LOVE YOU, HATER” nina Kris Aquino at JoshLia, ipapalabas na!

Julia Barretto, Kris Aquino and Joshua Garcia

SA IKA-25th anibersaryo ng Star Cinema, inihahandog nila ang pelikulang “I Love You Hater” na pinagbibidahan nina Kris Aquino, Joshua Garcia, at Julia Barretto sa direksyon ni Giselle  Andres at sa panulat nina Rona Co at Kristine Gabriel. Ito’y isang wholesome romantic comedy para sa buong pamilya.

Naka-sentro ang pelikula kina Sasha (Aquino), Joko (Garcia), at Zoey (Barretto). Si Joko ay isang probinsyano na kailangan ng pera matapos siyang lokohin ng isang illegal recruiter. Magtratrabaho siya sa ilalim ng online media mogul na si Sasha kung saan kailangan niyang magpagngap bilang  isang bakla upang makipag-kumpitensiya sa kanyang crush na si Zoey.

Kris Aquino

Ang “I Love You Hater” ang grand comeback ng top endorser at Queen Of All Media na si Kris Aquino. As Sasha,  gagampanan niya ang karakter ng isang  no non-sense na babae na pinaglalaban ang katotohanan at authenticity. Isa siyang babaeng accomplished – ang ultimate, self-made lady boss na may kapangyarihan dahil sa kanyang commitment sa hard work at loyalty.

Ayon kay Kris, siya mismo ang nag-request sa big bosses ng Star Cinema na gusto niyang makasama sa pelikula sina Joshua at Julia. Palibhasa may chemistry ang dalawa kaya kumita ang last movie nilang “ Unexpectedly Yours” with  Robin Padilla at Sharon Cuneta. Highly bankable ang Joshlia  loveteam.

Isang teen romantic  film ang first movie nina Joshua at Julia entitled “Vince and Kath and James at sinundan ito ng mga critically acclaimed at commercially successful na romance-drama na “Love You To The Stars And Back.” Ginawaran si Julia bilang Most Promising Movie Actress Of The Year sa 48th Entertainment Awards.

Joshua Garcia

Hindi rin matatawaran ang galing at husay ni Giselle Andres as a director. Isa siya sa pinaka-talentado at brilliant homegrown director ng Star Cinema. Nagsimula siya bilang isang production designer at dinirehe niya ang kanyang unang full length movie, ang “Loving In Tandem” noong 2017. Nakatrabaho din niya sina Olivia Lamasan as assistant director at Direk Cathy Garcia- Molina.

Nang ibigay ni Direk Lamasan kay Direk Andres ang project  na “I Love You Hater”, may kabang naramdaman ang director dahil si Kris Aquino ang makakatrabaho niya. Maging si Kristeta ay nag-research din sa background ng magiging director niya. Nang malaman ng Queen of All Media na maraming pinagdaanan at hinog na sa production si Ms. Andres at nag-workshop pa ito kina Olivia Lamasan at Marilou Diaz Abaya , approved sa kanya magpa- handle sa baguhang director.

Naging smooth ang working relationship nina Kris at Direk Andres ganu’n din sina Joshua at Julia. Ini-enjoy nila ang bawa’t isa kaya’t walang nagging hassle habang ginagawa nila ang “I Love You Hater.”

Julia Barretto

Inamin ni Kris na kinikilig siya tuwing nakikita niyang super sweet sina Joshua at Julia. Binuking nga niya more than friendship ang relationship ng dalawa. Pero nang tanungin ang magka-loveteam, bitin ang mga sagot nito. Hindi dini-deny ni Joshua may special feeling siya sa dalaga. Ini-enjoy lang daw nila ang relationship na mayroon sila ngayon. Hindi naman maipagkakaila mag-dyowa na nga ang sina Joshua at Julia dahil sa body language na nakikita namin sa kanila.

Hindi maiiwasan mabanggit kay Kris si Mayor Herbert Bautista na matagal ng nali-link sa kanya. Nagpaparamdam, tumatawag at nagte-txt sa kanya ang actor/politician at inamin niya minsan nakasama sila out of the country pero separate hotel.Hindi masabi ni Kris kung anong relationship mayroon sila ni Herbert. Siyempre, sa lalaki manggagaling ang pagamin, hindi sa babae.

Sa media launch ng book ni Mayor Herbert at birthday treat nito sa press, inamin ng comedian na lagi silang nagte-text ni Kris at ‘yung relationship nila ay more on  mutual respect between two individuals. It’s less than a relationship but more than being friends based on mutual respect. “I’d  like to thank Kris for sharing her life with me kahit maiksing panahon lang pero marami kaming natutunan sa isa’t isa,” pahayag niya.

  

 

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.