Isang pang bihag ng ASG, laya na

MAKARAAN ANG HALOS tatlong buwang pagkakabihag ng umano’y bandidong Abu Sayyaf Group (ASG), laya na ang isang lalaki sa Zamboanga City.

Sa ulat na  nakarating sa Camp Crame, kinilala ang biktima na si Joel Indino Jr., dinukot noong January 29.

Si Indino ay ligtas na natagpuan ng mga elemento ng Task Force Indino ng Zamboanga Sibugay Police Office sa masukal na bahagi ng Bgy. Payao.

Una munang dinala sa headquartes ng pulis si Indino para sa medical checkup at de-briefing.

Tumanggi naman ang kaanak ni Indino kung nagbayad sila ng P1 milyon ransom kapalit ng pagpapalaya ng mga kidnapper sa biktima. (EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.