Isang linggong nawawala Totoy, Lumutang sa Kanal

HALOS NAAGNAS na nang lumutang sa kanal ang isang totoy makaraan ang isang linggong pagkawala nito sa Caloocan City kahapon ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Christian Mico Santos, 6, ng Landaska St., Caloocan City.

Sa ulat, nawala ang bata habang kasagsagan ng piyesta sa nasabing lugar noong nakaraang linggo.

Hinanap ng mga magulang ang bata hanggang sa nagpaskel pa sa mga poste ng larawan ng biktima upang makatulong sa paghahanap.

Alas-8 kahapon ng umaga, lumutang ang bata sa kalapit na creek sa nasabing lugar.

Inaalam na ng mga pulis kung may foul play sa pagkamatay ng biktima.

(MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.