Tago: Isang kuwento ng payak na buhay

Hindi naman daw talaga siya tsismosa pero kung may makararating na bagong tsika sa kanya, hindi raw naman ito ipagdaramot ng ating chikadora kung happiness ng taumbayan ang pag-uusapan.

Sa latest tsismis na nasagap ng kanyang satellite na malupet, isang mambabatas daw ang ang nuknukan ng simpleng sinungaling. Kasi ba naman, simple living, ‘ika nga, ang imaheng ipinapakita nito, pero ‘wag ka, natuklasan ng mga mahadera na front lang pala ito. Ang totoo, sugal kung sugal ang kanyang moda at parang nangangati raw ang mga kamay kung hindi siya nakakahawak ng precious baraha.

Sa huntahan ng mga miron, napag-alaman ng impormante na napupuyat ang mambabatas dahil sa magdamagang pagsusugal. Kung tutuusin, bawal sa sinumang public official ang magsugal sa casino. OK sana kung nananalo siya pero ang siste, puyat na nga, bihira pa sa asul na buwan kung manalo siya. So ang nangyayari, palabas lahat ang datung niya.

Wala naman tayong paki kung pera niya ang ginagastos niya. Ang nakakalito lang, mga kumare at kumpadre, simpleng buhay ang kanyang press release sa atin. Pero ‘yun pala, magarbo niyang ginagastusan ang kanyang bisyo. Pero hindi lang ‘yan, may chika rin na ‘pag ang mga residente ng nasasakupan niya ang humihingi ng tulong, parang tikoy daw ang mambabatas at may-i-dialogue pa ng “wala akong pera, eh.”

Ang hirit nga ng isang residente mula sa kanyang nasasakupan: Mahal kong Kong, bahala kang magpakululong sa bisyo mo, ‘wag na ‘wag mo lang, nanakawin ang pera mula sa kaban ng bayan.

Related Post

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.