ISANG FEMALE TV host na na-link sa isang batang reality star search winner ang napagdududahan na nagbuntis at nagpalaglag

ISANG FEMALE TV host na na-link sa isang batang reality star search winner ang napagdududahan na nagbuntis at nagpalaglag.

Ayon sa chismosang aking nakausap, nagpa-laundry raw itong female TV host na ito sa kanila. Nakagugulat daw, dahil puro dugo ang kobre-kama, underwear at mga damit nito na nakasilid sa isang garbage bag. Ang akala nga raw sa laundry shop, may patay na tao sa mga damit nito dahil sobrang daming dugo raw…

At ang nakagugulat daw rito, sinabi nitong female TV host na ito na may menstruation daw siya kaya may dugo. Pero ang ikinaloka ng chismosang labanderang ito, bakit buo-buo at natuyo na ang dugo sa mga damit nito? At ang ikinaloka pa, bakit daw good morning towel ang gamit na pasador nito kung may menstruation? Eh, ‘di ba mura lang naman ang pasador, ‘yung may wings para lumipad na ‘yung naninigas na dugo sa kanyang underwear?

Pero ‘eto pa… ‘di ba’t napabalita ring hiwalay na sila ni reality star search winner, dahil ba sa pagpapalaglag nito… o dahil bente pesos lang pera nito? At sa ngayon daw, may bago na namang kinakasama itong female TV host na ito na produkto rin ng reality show.

Sana, maka-survive na this time ang love story ng female host na ito at nang hindi na siya nagpapa-laundry ng good morning towel, ‘noh… ‘Yun na!

The Lion’s Guard
by Gary de Leon

loading...

2 thoughts on “ISANG FEMALE TV host na na-link sa isang batang reality star search winner ang napagdududahan na nagbuntis at nagpalaglag

Leave a Reply

Your email address will not be published.