Isang Bagong Tambalan at Isang Nagbabalik-Tambalan sa Noah

ISANG BAGONG TAMBALAN at isang nagbabalik-tambalan ang napapanood ngayon gabi-gabi sa ABS-CBN primetime action fantaserye na Noah. Piolo Pascual and Zaijian Jaranilla team up for the very first time as father and son while Piolo and Kristine Hermosa are paired together once again pagkatapos ng kanilang tambalan sa Komiks Presents: Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja? where Piolo had a special appearance.

Sina Piolo (Gabriel) at Zaijan (Jacob) ay gumaganap bilang mag-amang nagkahiwalay matapos ang isang aksidente. Gabriel’s search for his missing son leads him to a mysterious island called Noah, kung saan naninirahan ang mga Ungtas, a group of ape-like beings. Dito muling nagkrus ang mga landas nina Gabriel at Jacob na ngayon ay si Eli na.

Ayon kay Lino Cayetano, isa sa mga direktor ng series, “It was perfectly woven for Piolo and Zaijian. Mararamdaman mo iyong chemistry nila as father and son. And dahil may chemistry na, napapadali ang trabaho ko bilang direktor dahil hindi na kailangan ipilit.”

After starring as the miracle boy Santino in May Bukas Pa, muling nagbabalik si Zaijian sa kanyang first fantasy series. Kung si Santino ay may Bro, sino kaya ngayon ang magiging sanggang-dikit ni Jacob/Eli sa Noah?

Ang Noah ang pangatlong pagkakataon nina Piolo and Tintin na magkasama sa isang series. Nauna na rito ang Sa Sandaling Kailangan Mo Ako na sinundan ng Maruja. Maganda ang rehistro ng kanilang tambalan onscreen dahil they are both good looking. Okay rin ang kanilang chemistry dahil matagal nang magkaibigan sina Piolo at Tintin.

“When I learned that I’ll be working with PJ (Piolo) dito sa Noah, natuwa ako siyempre. Noong sa Maruja kasi special appearance lang talaga siya, so hindi kami nagkasama nang matagal,” Tintin said. In Noah, she plays Eva who Gabriel meets sa kanyang paghahanap sa nawawalang anak.

Kasama rin sa cast sina Cherry Pie Picache, Nonie Buencamino, Jolo Revilla, Ana Capri, Joem Bascon, Melissa Ricks, Renzo Cruz, Baron Geisler at Jodi Sta. Maria.

Ano ang naghihintay na kapalaran nina Gabriel, Jacob at Eva? Makumbinsi kaya ni Gabriel si Jacob na siya ang nawawala nitong anak? What will happen to the love story of Gabriel and Eva? Tutukan natin ang mga kapana-panabik na tagpo sa Noah gabi-gabi sa ABS-CBN Primetime Bida.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Isang Bagong Tambalan at Isang Nagbabalik-Tambalan sa Noah

Leave a Reply

Your email address will not be published.