ISANG ACTRESS-POLITICIAN ANG narinig naming pinag-uusapan ng ilang movie reporters lately.

ISANG ACTRESS-POLITICIAN ANG narinig naming pinag-uusapan ng ilang movie reporters lately. Ang isyu sa aktres na ito, ‘yong tungkol sa ilang sack of rice na nai-pledge niya bi-lang pa-raffle sa Christmas party ng isang publication nitong nakaraang holiday season.

Naloka raw ang mga nanalong reporters dahil nang tanungin nila kung paano iki-claim ang na-panalunan nilang isang sako ng bigas, ang sabi ay kailangan daw na sila ang kumuha nito sa bahay ng aktres. Ang problema, sa isang probinsiya karatig ng Metro Manila pa ito.  Kung mag-aarkila ng taxi o sasakyan para makuha ang nasabing bigas, mas mahal pa ang rent na ibabayad kesa sa presyo ng isang kaban ng bigas.

After New Year, tumawag daw ang mga reporters na sa secretary ng actress-politician na siyang in charge nga umano kung paano i-claim ang mga sako ng bigas na napanalunan nila. Hihilingin sana raw kasi nila na since marami namang tauhan ang actress-politician at marami rin itong service na mga sasakyan, baka pupuwedeng ipahatid na lang ‘yung mga nasabing sack of rice kahit sa publication office na lang na kanilang pinagsusulatan para do’n na lang nila kunin.

Ang kaso, according sa secretary ng actress-politician, wala na raw ang mga nasabing bigas! Dahil wala umanong nag-claim, napasama ang mga sack of rice na ito sa ipinamahagi raw ng actress-politician nang mag-distribute ng mga goodies sa mahihirap na constituents sa isang lugar na sakop ng kanyang panunungkulan.

Pero nag-OPM daw sa mga reporters ang secretary ng actress-politician. Papalitan na lang daw ito ng cash. Na kung magkano ang worth no’ng tig-iisang kaban ng bigas na na-panalunan nila, iyon na lang daw ang ibibigay sa kanila.

Pero natapos ang month of January, dumaan na ang Valentine’s Day, at mag-i-end na rin ang February, wala pa ring abiso ang kampo ng actress-politician sa mga reporters kung paano at kailan nila ito makukuha. Kung sa susunod na Christmas na lang ba o ano.

Hindi na raw umaasa ang mga reporters na maki-claim pa nila ito. Kumbaga, ayaw nilang magmukhang timawang mag-follow up pa tungkol dito.

Bakit nga ba nagkagano’n? May image pa namang mabait at ma-PR ang actress-politician na ito gaya ng husband niyang isang kilalang personalidad din sa mundo ng politika.Sikat at kilala rin ang mga anak nila, huh!

Na-get na ninyo kung sino ang actress-politician na ito?

(Ruben Marasigan)

Previous articleKINSA SIYA? ISANG ‘unimpeachable’ source namin ang nagsabing nakita niya ang not so controversial showbiz reporter na naging girlfriend ng isang sikat na actor/singer/TV host noon na nag-audition sa news department ng TV5.
Next article‘KABALIW ANG ‘DRAMA’ ng discreet director na ito dahil kamakailan lang ay binilhan niya ng isang kotse na milyones ang halaga ang isang guwapong aktor.

No posts to display