ISAFP, 5 PA TIKLO SA CARNAPPING

PINANINIWALAANG NABUWAG NG pulisya ang isang “Bino Dacer carnapping syndicate” na nag ooperate sa Metro Manila  sa pagkakaaresto sa isang civilian agent ng Intelligence Service ng AFP (ISAFP) na itinuturong leader at lima pang kasamahan nito sa San Juan City.

Kinilala ni San Juan City chief of Police P/Sr.Supt. Popoy  Lipana, ang  mga naarestong suspek na  sina Bino Dacer,42 anyos, rebel returnee at ngayon ay civilian agent ng ISAFP MIG 19, residente ng  #1109  Santolan St., Camarin, Caloocan City,  Alberto Subaldo,56 anyos, ng No.81-A.Cotabato St., Bagong Bantay, Quezon City,  Nelson Semania, 48 anyos, ng No.5-Barangka St., Twin River Subd., Brgy. Nangka, Marikina City,  John Ferdinand  Robles,38 anyos,  ng No.356 Bontoc St., San Jose Del Monte, Bulacan,  Russel Garcia,35 anyos, ng No.777-Bansal St., Meycauayan, Bulacan  at ang kasabwat na driver na si Romar Solis, 25 anyos, residente naman ng No.3176 Bohol St., Sampaloc, Manila.

Ang mga suspek ay magkakasunod na nasakote matapos na ireklamo ng negosyanteng si Brigido Oglingkuan, 65 anyos, may-asawa ng Van Buren St., North Greenhills, ng nasabing lungsod.

Sa ulat, dakong alas-8:30 ng umaga noong Pebrero 9 nang mapuna nito na nawawala sa kanilang garahe ang kanyang dark green  na Honda CRV na may plakang ZLU-69.

Nang tanungin si Solis ay itinanggi nito na may kinalaman siya sa pagkawala kung kaya’t nagtungo sa himpilan ng pulisya si Oglingkuan dala ang CCTV footages sa kanyang bahay.

Dito na nakita na mismong ang driver nilang si Solis ang naglabas sa garahe at umamin naman na i-binigay niya sa leader ng grupo.

“Nang makita  sa CCTV si Solis ay agad itong kinumpronta at hindi na rin nakapagsinungaling hanggang sa inamin nito nakipag-

sabwatan daw siya sa grupo ng Bino Dacer  carnapping syndicate  matapos pangakuan ng malaking pera”. ani Sr/Supt. Lipana.

Narekober naman ang sasakyan ni Oglingkuan sa parking lot ng CSI Warehouse Club  sa Sitio Sudsuran, Poblacion, Alaminos City, Pangasinan.

Ayon pa kay Lipana, bagito pa sa modus operandi si Solis na apat na taon ng driver ng negosyante at nagawa lamang makipagsabwatan dahil sa napangakuan ng malaking halaga ng pera at kung hindi pa sa CCTV camera ay hindi ito mapapaamin.

(GIGI CONVOCAR)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.