Isabelle Daza: Stepping Out of Her Mother’s Shadow

HINDI PA man siya pormal na nag-uumpisa sa showbiz, isa nang pamilyar na pangalan ang Isabelle Daza. Bakit nga naman hindi? Siya lang naman ang anak ng pinakaunang Miss Universe mula sa Pilipinas na si Gloria Diaz. Natural lang na mapukaw nito ang interes ng madla kahit hindi pa siya gumawa ng effort para magpapansin.

Simula noong nakaraang taon ay buong puso nang niyakap ni Isabelle Daza ang mundo ng showbiz sa pamamagitan ng GMA-7. May mga nanghihinayang dahil tila wala itong hilig sa pagsali ng mga beauty pageants. Sa katunayan nga, boyish ito nang siya’y nag-aaral pa. Nakapagtapos ito ng kursong Early Childhood Education kaya hindi natin masasabi na ganda lang at kaseksihan ang puhunan ni Belle, huh?!

Simula noong nakaraang taon ay naging aktibo na ito sa poder ng Kapuso Network. Naging co-host siya ni Manny Pacquiao sa Many Manny Prizes at kasalukuyang napapanood sa IBILIB: Wonder of Horus kasama sina Chris Tiu at Moymoy Palaboy. Ito na rin ang nagsisilbing training ground ng dalaga pagdating sa hosting.

Nakatakda na ring mapanood sa afternoon prime ng GMA-7 si Isabelle Daza. Pasok ito sa cast ng Faithfully, kung saan makikipag-sabayan ito sa Kapuso beauties na sina Maxene Magalona, Michelle Madrigal, Isabel Oli at Vaness del Moral. May balak na rin ang Regal Films na i-launch ito bilang isang movie star.

With all the projects lined up for her, mukhang good move ang pagpasok ni Belle sa showbiz. Makagawa kaya siya ng sarili niyang pa-ngalan sa industriya at tuluyang makaalis sa anino ng kanyang beauty queen mommy? ‘Yan ang dapat nating abangan!

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.