Isabelle Daza, inilihim sa inang si Gloria Diaz ang love scene sa pelikula

HINDI SANAY si Isabelle Daza na walang make-up kapag lumabas ng bahay kaya na-challenge siya nang sabihan siya ni Direk Joel Lamangan na bawal na bawal na maglagay ng make-up oras na gumiling na ang camera.

Isang teacher kasi ang role ni Isabelle, at para maging credible ay kailangang walang make-up. Iimbestigahan niya ang ginawang massacre sa kanyang tatay at ninong.

“Sanay akong maglagay ng make-up. You will never see me go out na hindi made-up. I need my eyelashes, lipstick, and blush. Kaya noong sinabi ni Direk Joel na, “Belle, I don’t want you put make-up. Mas doon ako na-challenge,”natatawang say ni Isabelle.

Dahil sa malalalim daw ang mga Tagalog word na kailangan niyang bigkasin ay inabot siya ng ilang takes na ikinarita ni Direk.

“Ilang beses nga akong napagalitan ni Direk Joel kasi umabot ako sa more than four takes sa isang eksena lang. Si Direk Joel pa naman, he wants you to get it sa unang take pa lang. Kapag umabot na ng three takes naiirita na siya. Kaya just imagine how mad he gets kapag ako na ang kukunan,” natatawang say pa ni Belle.

Pero would you believe na pumayag si Isabelle na gawin ang sizzling love scene sa baguhang actor na si Alex Castro sa Lihis?

Ang siste pa, hindi alam ng mother ni Isabelle na si Ms. Gloria Diaz na may love scene na gagawin ang dalagang anak sa Lihis.

Inilihim daw sa former Miss Universe ang nasabing  sizzling love scene ni Belle at bago raw kinunan ang nasabing scene ay hinintay daw munang makaalis sa set si Ms. Gloria.

Nangangamba tuloy ang production staff na kapag napanood ni Ms. Gloria ang mainit na love scene ng anak ay magalit ito at maging bayolente ang maging reaction ?

May dahilan kasi para mag-alala sa possible na reaction ni Gloria sa movie love scene ng anak dahil minsan nang sumugod ang former Ms. Universe sa pictorial ni Isabelle dahil nakarating sa kanya ang tungkol sa sexy concept ng photo shoot.

Ang Lihis ang second movie ni Isabelle. Una ay It Takes a Man and A Woman.

 

DUMEPENSA ANG kampo ni Marian Rivera sa isyung sumugod ito sa taping nina Dingdong Dantes at Rhian Ramos sa set ng Genesis.

Ayon sa kampo ni Marian, walang nangyaring problema sa set ng Genesis nang dumalaw ang actress. Nagdala lang daw ito ng pizza dahil sa pagwawagi ni Dingdong ng Best Actor sa isang award-giving body.

Binati naman daw lahat ni Marian ang lahat ng tao roon at nakipagbiruan pa raw ito sa lahat. Wala raw nangyaring insidente na naging problema ito sa buong team at na-delay ang taping ng serye dahil sa actress.

So there, walang tension nangyari nang bumisita si Marian sa taping ng boyfriend sa set ng Genesis at lalong walang selos factor raw na nangyari between Marian at Rhian Ramos.

 

AYAW NAMANG magbigay pa ng comment si Rhian Ramos sa nangyaring pagbisita ni Marian Rivera sa set ng taping nila ni Dingdong ng Genesis.

Aniya, “I’m really sorry. I don’t want to comment na lang about it, please kung puwede lang. Mahirap na. I just want to keep a peaceful working relationship and a peaceful set. Happy na ako sa lovelife ko. So, ayoko ring mag-connect sa lovelife ng iba.”

Humingi ng paumanhin si Rhian na magbigay ng mahabang comment dahil gusto niya na maging peaceful and happy ang set ng serye nila ni Dingdong.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

3 thoughts on “Isabelle Daza, inilihim sa inang si Gloria Diaz ang love scene sa pelikula

  1. Isabelle Daza is an example of “nasa banig na sa papag pa piniling matulog” naging cheap sa pag-aartista. Next time magpapakita na rin ng boobs yan si Isabelle…Sayang she was once upon a time a charming girl and the darling of Manila’s elite society… Tsk!…Tsk! Like mother like daughter…Gloria Diaz nagpakita ng boobs sa first film nya…nagpaka-cheap si Miss. Universe ’69

Leave a Reply

Your email address will not be published.