Isabelle Daza, gimik lang pagli-link kay Dingdong Dantes

HINDI NAIWASANG itanong kay Lorna Tolentino ang tungkol sa pagkaka-link ng anak niyang si Renz Fernandez kay Maxene Magalona.

Napag-usapan ito nang humarap si Lorna sa ilang movie press nang pumirma ito ng two-year contract sa GMA 7 nu’ng nakaraang Lunes.

Sabi naman ni Lorna, good friends lang daw talaga sina Renz at Maxene, pero nadulas naman siya sa pagsabing aamin din daw ‘yan sila. Pero sa nga-yon, good friends lang daw talaga.

Pero gustung-gusto ni Lorna si Maxene dahil napaka-positive daw nito at napakagaan daw kasama. Marami raw silang nai-share na parehong experience dahil parehong namatay sina Rudy Fernandez at Francis Magalona sa sakit na cancer. Isa raw ‘yun sa mga dahilan kung bakit naging close ang dalawa.

Pero kung sakaling sila na nga talaga, walang pagtutol kay Lorna dahil gustung-gusto niya si Maxene, pati mga kapatid nito at si Pia Magalona.

Kinagabihan sa birthday party ni Allan Diones, nakunan ng Startalk na magkasamang dumating sina Maxene at Renz, kasama rin ang kuya nitong si Ralph na kagagaling lang pala ng hospital.

Siyempre, nakorner na silang dalawa pero wala naman silang inamin. Ang sabi nila good friends lang daw talaga at nag-i-enjoy raw sila nang ganu’n.

Kung sakaling ma-develop sa mas magandang relasyon, mabuti na rin daw ‘yun na nagsimula sila bilang magkaibigan.

Pero tingin ko sila na ‘yan. Nagulat nga ako dahil tingin ko pa naman kay Maxene parang nang-iiwan ng boyfriend. Parang pareho sila ni Heart Evangelista na kapag ayaw na nila, basta na lang makikipag-break.

Pero mukhang nag-i-enjoy naman silang dalawa, okay gow!

 

MAY PINO-PROMOTE na pelikula si Dingdong Dantes na magsi-showing na sa October 17, ang Tiktik: The Aswang Chronicles.

Tamang-tama namang naintriga ito kay Isabelle Daza na hindi naman kasali sa pelikula. Kaya ewan ko kung gimmick o ano, pero bakit biglang may kumalat na ganu’ng intriga?

Iyon tuloy ang natanong sa kanya na diretso naman niyang sinagot na hindi totoo ‘yun at straight daw siya sa relasyon nila ni Marian Rivera.

Medyo abala lang ngayon si Marian dahil nagsimula na siya sa Extra Challenge at taping sa Temptation of Wife kaya bihira lang silang magkikita. Pero nilinaw ni Dingdong na wala silang problema ni Marian at lalong naging strong daw ang relasyon nilang dalawa.

Obvious namang kinakalat lang ito para mapag-usapan, pero hindi kaya nagagamit lang dito si Dingdong?

Naku ha? May naririnig lang kasi ako na pakana naman ito ng kampo ni Isabelle kaya siguro tigilan na lang.

Iisang manager lang sina Isabelle at Lovi Poe na ka-partner dito ni Dingdong, pero hindi sila ang naiintriga.

Basta dedma lang si Lovi sa intrigang ‘yan dahil wala naman daw siyang kamalay-malay riyan.

Kahit si Marian ay dedma rin at ayaw na niyang patulan dahil ayaw na rin niyang magpaka-nega.

Siguro tigilan na lang nga dahil malabo talagang magkatotoo ‘yan.

Sa October 15 at 16 daw ang premiere night ng Tiktik: The Aswang Chronicles, at nangako si Marian na sasamahan niya si Dingdong sa isa sa mga gabing ‘yun. Bilang suporta niya sa aktor.

 

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

4 thoughts on “Isabelle Daza, gimik lang pagli-link kay Dingdong Dantes

  1. Tama ito ay isang malaking GIMIK. Pra kc  mapagusapan man lang itong Isabelle Daza na ito. Kc bano na umarte, bano pa din mag host. Ewan ko bakit naging artista ito. Walang ka talent  talent. Anak lang kc ng beautyqueen kaya alang kahirap hirap nakapasok sa showbiz.

    • ayun may show na! may movie offer pa! oh di ba? gusto maging MAGDALENA mala BELA PADILLA ahihi ALAM NA! kaawa awa wala kaisng magawa kahit anak pa ng beauty queen, need ng pera para makasabay sa mga barkada kawawa

Leave a Reply

Your email address will not be published.