Isabelle Daza, ayaw matulad sa inang si Gloria Diaz!

HINDI PALA alam ni Isabelle Daza na may isyung tumanggi siya diumano na maging leading lady ni Rocco Nacino sa isasapelikulang Ilocano epic na Lam-Ang. Nagulat nga siya na may intriga pang ayaw raw niyang makapareha ang aktor.

“Talaga?” reaksiyon niya. “Hindi. I didn’t even know about it. First time ko lang na narinig ‘yan sa inyo.”

Bagay pa naman daw nga sana kay Isabelle ang nasabing role kasi nga, Pinay na Pinay ang beauty niya.

“Ayyy… okay! Baka next time!” sabay ngiti ng dalaga.

Marami ang nag-a-admire sa kagandahan ni Isabelle. Pam-beauty queen din ang kanyang dating. May pagmamanahan naman siya dahil Miss Universe titlist nga ang kanyang inang si Gloria Diaz.

Potential beauty queen man ang tingin sa kanya ng lahat, patapos na sinasabi ni Isabelle na ayaw niya at hindi raw talaga siya interesadong sumali sa anumang beauty contest.

“Uhm… oo! Parang mahirap pa ‘yon, eh. I’m happy naman here sa GMA. I don’t think I have to join a beauty pageant to prove something, ‘di ba? And I’m very proud naman of my Mom. Kung gusto kong magsuot ng korona, hiramin ko na lang ‘yong sa kanya, ‘di ba?”

Pero flattered daw siya na marami nga ang naniniwalang  puwede rin siyang maging international beauty queen.

“I’m very touched!” nangiti niyang sabi. “Alam mo ‘yong mga tao… ‘yong mga fans… ‘yong mga friends ko… lagi silang nagtu-tweet. Lagi silang nagsusulat na I have the potential to be the next… you know… beauty queen. And I think it’s a big shoe to fill na… napakataba siyempre ng puso ko na… they would think that of me. And they would think that highly of me. And I’m glad! I’m grateful. Pero parang… happy na ako with this. I wanna focus with GMA siyempre. And hosting.  And sports. ‘Yong pagiging beauty queen, I think hindi iyon ang path ko.”

Excited daw siya sa mga posibleng bagong projects niya sa Kapuso Network.

“Actually may meeting kami about that. But right now, happy naman ako sa Party Pilipinas. And sa Eat Bulaga… nando’n ako araw-araw. Tapos sa I Bilib (show nila ni Chris Tiu sa GMA News TV 11). At siyempre sa Manny Many Prizes (kung saan isa siya sa co-hosts ni Manny Pacquiao) na pinaka-first kong show.”

She enjoy hosting raw talaga sa ngayon. At hindi pa niya masabi kung kailan naman siya sasabak sa acting?

“Ewan ko pa. Masaya naman ako sa ngayon, eh. Nasa Bubble Gang ako kung minsan. So that’s my acting na for now.”

Hindi ba niya hinahangad na i-try rin ang pag-portray ng heavy drama na roles sa mga soap opera?

“Iyon ang hindi ko pa kaya yata. Hindi ko pa kaya ang heavy drama right now.  Baka  kaila-ngan ko pa ng training o ng workshop. Let’s see.”

Kumusta naman ang lovelife niya sa ngayon? “Okey naman!” matipid na sagot ni Isabelle.

Totoo na meron siyang special someone? “Maraming friends!” aniya.

Pero ‘yong boyfriend talaga? “Meron!”

Halatang umiiwas siya na mapag-usapan kung sino nga ba ang karelasyon niya. Gusto niyang maging private ang tungkol dito dahil non-showbiz nga ang nasabing guy?

“Alam mo na,” nangiting sabi na lang ni Isabelle.

 

SHOCKED ANG isang tabloid editor sa hinahangaan niyang respetadong aktres. Hindi kasi raw niya akalaing kabaligtaran ng very sweet at disenteng image ng aktres ang totoong ugali at pagkatao nito.

Kliyente ng isang kilalang designer na kaibigan ng tabloid editor ang aktres na ito. At dahil alam ng designer na avid fan ng aktres ang tabloid editor, minsan ay niyaya raw ng designer ang editor na sumama sa bahay ng aktres.

Natiyempuhan nilang katuwaang nag-iinuman ang aktres at ang ilang kaibigang babae nito. Lasing na raw ang aktres na panay ang  buga ng usok sa hinihitit na sigarilyo.

Panay mura raw ang expression ng aktres habang nakikipagtsikahan sa kanyang mga amiga. At ang topic… puro kabastusan kaya sige ang kanilang halakhakan.

Naloka ang tabloid editor dahil ang pagkakaalam niya at maging ng sambayanan… hindi naninigarilyo at umiinom ang aktres. Napakapinong kumilos at magsalita sa harap ng kamera na parang hindi makabasag-pinggan. Tapos gano’n daw pala ito sa totohanan.

Nasisi pa tuloy ng editor ang designer na hindi na raw sana siya isinama sa bahay ng aktres. Biglang nawala raw kasi ang respeto at paghanga niya rito. ‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

4 thoughts on “Isabelle Daza, ayaw matulad sa inang si Gloria Diaz!

  1. hay naku… siguradong sila Georgina Wilson at Anne Curtis yung mga amiga niya na kasama niyang uminom.. kasi Sila Georgina, Anne at Solenn eh nagsisigarilyo din at saka endorser din sila ng alak hehehe

  2. dahu naman si issabelle? ano bang naachieve nya? may pinag aralan? ok fine. ngayon, magshoshowbiz? wrong. unang una walang star appeal, pangalawa walang anumang showbiz talent. pumunta ka na lang ibang bansa at dun mag asawa ng foreigner dahil type nila ang mga black beauty teh! hahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.