Isabel Oli, tinanggihan ang Darna!

KASABAY NG PROMO ng Rosalinda nina Carla Abellana at Geoff Eigenmann na magsisimula na ngayong araw, pinag-uusapan na rin itong Darna ni Marian Rivera dahil lumabas na siyang naka-costume at sa totoo lang, ang sexy ng dating ng Darna costume niya.

Nu’ng nakaraang trade launch ng GMA 7 na ginanap sa White Space sa Makati, si Marian ang finale na rumampang naka-Darna costume. Maganda ang feedback sa kanya at hindi maiwasang ikumpara ito kay Angel Locsin na naging Darna rin ng GMA 7.

Comment ng karamihang nandu’n sa trade launch, mas bagay raw kay Marian ang Darna costume nito at mas maliksi raw siya at mas magaling raw ito sa mga stunt na ginawa niya kahit mas athletic tingnan si Angel sa kanya.

Maganda raw ang movements nito sa mga ipinakitang stunts, kaya positive ang feedback sa kanya at lalong naging kaabang-abang itong nilulutong fantaserye ng GMA 7.

Ang isa pang inaabangan din ay ang iba pang cast na kasali rito. Si Iwa Moto na ang Valentina at tuwang-tuwa nga ito dahil sa kanya ipinagkatiwala ang mabigat na role na ito.

Talagang kakaririn daw niya nang husto ang pagiging Valentina at kung sexy si Marian sa costume niya bilang Darna, hindi rin daw pahuhuli si Iwa na pumayat pagkatapos niyang magkasakit, kaya lalo naman siyang sumeksi.

Magsasama rin dito sa Darna sina Paolo Contis at ang dating kasintahang si Isabel Oli.

Inaabangan din iyan dahil hindi pa pala sila nagkita muli pagkatapos nilang mag-break. Okey naman daw ito kay Paolo dahil trabaho lang naman ang sa kanya.

Kasali rin dito si Nadine Samonte na nakasamaan din ng loob ni Isabel, kaya may dialogue na itong Nadine na trabaho rin daw ang sa kanya, pero hindi raw siya sure kung magiging okey pa sila uli bilang magkaibigan.

Kaya ang ending, ang latest na narinig ko, tinanggihan na raw ni Isabel itong Darna para wala na lang gulo at hindi na sila pagpiyestahan ng intriga.

Isang babaeng-tuod daw ang role na dapat na gagampanan ni Isabel. Hindi lang namin alam kung sino na ang pumalit sa kanya.

KUNG MAY TONO pa ng bitterness ang mga pahayag ni Cristine Reyes tungkol sa break-up nila Dennis Trillo, itong huli naman ay parang wala na at nagulat pa nga raw siya bakit ngayon lang nagsalita si Cristine.

Sa presscon ng Astig, nagsalita si Dennis tungkol sa break-up na ‘yun na ayon sa kanya, matagal na raw kaya bakit ang sabi ni Cristine ay recent lang.

Nu’ng nakitang kasama ni Dennis si Kaye Abad sa Starbucks, break na raw sila noon ni Cristine. Mahigit isang buwan na raw ang official break-up kahit on and off na noon pa ang relasyon nila.

Nanghinayang rin daw siya sa relasyong ‘yun, pero marami raw mga problemang hindi maayos-ayos kaya nagdesisyon na raw silang tapusin na lang.

Bilang FHM’s Sexiest Pinay dapat na raw siyang maging masaya at open na raw siya sa mga gustong manligaw sa kanya, dahil eversince ay loyal naman daw siya kay Dennis.

by Gorgy’s Park

loading...

3 thoughts on “Isabel Oli, tinanggihan ang Darna!

  1. Hindi matahimik ang relationship ni Christine at Dennis dahil laging nasa likuran nila si mommy ni Calix. Malaki pa rin ang selos ni Carlene kay Christine at ginagamit ang bata para parusahan si Dennis. Walang magawa si Dennis kung hindi separate na lang kay Christine.

Leave a Reply

Your email address will not be published.