Isabel Oli, Daddy raw niya ang dahilan ng pagtanggi sa Darna!

HANGGANG NGAYON, MAINIT pa rin itong Michael Jackson fever at mukhang matagal pa ito, pagkatapos tutukan ng buong mundo ang memorial service niya nu’ng nakaraang Miyerkules ng madaling araw rito sa atin.

Iba’t ibang kuwento ang naririnig ko mula sa mga taong nanood ng memorial service na ‘yun na umabot ng mahigit dalawang oras.

Siyempre, wala naman akong tiyagang panoorin ‘yun dahil tulog na tulog na ako niyan. Kaya nakikinig na lang ako sa kuwento ng mga bakla!

Ang naaliw lang ako, sa Mommy ni Yasmien Kurdi na si Mirriam Yuson-Kurdi dahil talagang lumipad pala ito pa-Los Angeles para puntahan lang ang burol ni Michael. Sobrang fan pala ito ng King of Pop kaya bale birthday gift na rin daw niya sa sarili ang biyaheng ‘yun, birthday nga kasi niya sa July 20. Pero ang biyahe niyang ‘yun sa Amerika ay ginugol niya talaga kay Michael kasama raw ang iba pa niyang kaibigan.

Kuwento ni Yasmien, hindi nakapasok siyempre ang Mommy niya sa Staples Center, kung saan ginanap ang memorial service para kay Michael. May lottery kasi ‘yun at kailangang manalo ka para makakuha ka ng libreng entrance ticket.

Pero okey lang daw sa Mommy ni Yasmien dahil nagtiyaga naman silang tumambay sa labas ng Staples Center kasama ang napakarami pang fans.

Naloka nga raw ang Mommy niya dahil sobrang dami ng tao. Pumirma rin daw siya doon sa wall na inilagay sa labas pati sa book, kung saan inilalagay ng fans ang mensahe nila kay Jacko.

Pagkatapos ng memorial service, nilibot pa raw ng Mommy ni Yasmien ang ilang lugar na naging bahagi ng buhay ni Michael gaya nu’ng maliit na bahay nila na tinirhan daw nu’ng 11 years old pa lamang ito. Pati ‘yung sa Neverland ranch ni Michael ay pinuntahan din daw niya at namili pa raw ito ng sangkatutak na souvenir items ni Michael.

Inaabangan nga namin ang pagbalik dito ni Mommy Mirriam para makibalita kami sa karanasan niya roon.

ABANGAN N’YO BUKAS ang isa sa kuwento namin sa Startalk tungkol sa pagtanggi ni Isabel Oli sa role na ibinigay sa kanya sa Darna.

Ang sabi raw niya, nakatutok daw siya ngayon sa Daddy niyang naka-base sa Singapore dahil sobrang mahina na raw ito at hindi na maganda ang kalagayan.

Any moment, may matatanggap na raw itong hindi magandang balita, kaya baka biglang lipad din siya uli sa Singapore.

Nakahihiya naman daw kung tatanggapin niya itong Darna pagkatapos biglang kailangan niyang umalis dahil sa Daddy niya.

Puwedeng ‘yun nga ang dahilan nang pagtanggi niya sa project na ito, pero mukhang may kinalaman din ito kay Paolo Contis at sa dating bestfriend niyang si Nadine Samonte. Malamang umiwas na lang ito ng gulo kaya hindi na lang niya tinanggap itong Darna.

Watch n’yo na lang sa Startalk bukas!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Isabel Oli, Daddy raw niya ang dahilan ng pagtanggi sa Darna!

Leave a Reply

Your email address will not be published.