Isabel Daza, game nang mag-pose sa men’s mag!

MATAPOS NA mag-pose ng medyo sexy sa cover ng Rogue Magazine, game na rin daw maging cover girl ng men’s magazine si Isabelle Daza.

“I think it depends naman on the concept and on the people behind the magazine,” aniya nga nang matanong namin. “If it’s tasteful and, you know… maganda ang pagkagawa, okey.”

Wala rin daw kaso sa kanya ang pagsusuot ng two-piece sa pictorial kung saka-sakali.

“Okey naman ang two-piece. Kaya lang I just think that… it’s a typical type of sexy. ‘Yon lang.”

Pero pagdating sa pagpo-portray ng sexy roles, hindi pa raw ito napag-iisipan ni Isabelle.

“Hindi pa kasi ako full-blast sa acting. Kailangan ko pang mag-workshop. Mas mahilig ako sa hosting. Pero… acting, siyempre kailangan kong i-practice muna.”

Ang mommy niyang si Gloria Diaz, nag-iwan ng marka noong nagbida ito sa pelikulang Ang Pinakamagandang Hayop Sa Balat Ng Lupa. Ano kaya kung i-remake ulit ito at sa kanya i-offer?

“Uhm… puwede naman.”

Kahit daring ang role sa nasabing pelikula?

“Gano’n ba?” nangiti ang actress-TV host. “Okey lang! Napanood ko ‘yong movie. Okey naman.”

Kung sabagay, siguradong her Mom will be around to guide her and give her tips tungkol dito.

“Why not? Tama!” sabay tawang patapos na nasabi ni Isabelle.

JULIE ANNE San Jose turned 18 last May 17. But unlike other debutants, walang party na may cotillion, 18 roses, o anupaman. Mas ginusto niyang isang simpleng dinner lang ang kanyang maging selebrasyon kasama ang kanyang pamilya, mga kaanak, at malalapit na mga kaibigan.

“‘Yon po ang napagdesisyunan namin. Feeling ko rin po kasi, parang wala nang masyadong gumagawa no’ng may cotillion at 18 roses ngayon, eh. And ako, ang gusto ko lang talaga sa birthday ko, makasama ko ‘yong  family ko, relatives ko,  and mga friends ko, gano’n. Okey na po sa akin kahit hindi engrandeng selebrasyon. Basta ang importante ay makapag-celebrate ako ng birthday ko.”

Although 18 na siya, wala pa rin daw sa isip niya ang mag-entertain ng suitors o magka-boyfriend na.

“Hindi pa rin po, eh,” natawang sabi ni Julie Anne. “Siyempre, may usapan po kami ng parents ko na uunahin ko muna ang mga pangarap ko. Sa career muna po ako magpu-focus. And iyon naman ang dapat talagang gawin ko. Nag-start ako bilang contestant sa singing contest. Tapos hindi ko naman po akalain na maaabot ko ‘yong kinatatayuan ko ngayon.

“Kung hindi po ako nag-audition noon sa Popstar Kids, wala po ako ngayon dito. And actually, wala rin nga po sana sa plano na mag-audition ako. Parang napadaan lang kami. Nagmu-mall lang kami ni Mama. Tapos, ayon… parang nag-try lang po ako. Hindi ko naman po ini-expect. Until nandito na ako ngayon.”

Marami na ang excited habang inaabangan na maipalabas na ang launching movie nila ni Elmo na Just One Summer under GMA Films. Pinag-uuasapan nga ang nakakikilig daw nilang kissing scene dito na inabot diumano ng hanggang take 7. Kinabahan daw siya bago kunan ito.

“Kung first time mo talaga, kakabahan ka. Kahit anong bagay pa ‘yon, basta first time mo, kakabahan ka. Normal lang na gano’n,” sabi pa ni Julie Anne.

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

loading...

3 thoughts on “Isabel Daza, game nang mag-pose sa men’s mag!

  1. eh ano bang naabot ng babalinang matronang ito!!! Julianne gising at binabangungut ka! patapyas ka kay belo ng baba at taba! babushka!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.