Isabel and Jennica, bullying Nadine Samonte?

NAHIHIYA KAMI KAY Nadine Samonte dahil siya ang pinaghihinalaan nina Isabel Oli at Jennica Garcia na source sa nasulat naming pagsunod ni Wesley Gonzales sa kanila sa Boracay a few weeks ago. Ang actress lang daw ang may kakayahang magkuwento sa amin dahil siya lang ang kilala namin sa kanilang tatlo.

Nagulat sina Isabel at Jennica dahil detalyado ang pagkakasulat namin, at pati oras at pagbalik ng Manila ni Wesley, nalaman namin. Hindi alam ng dalawa na maraming sources ang press people at hindi kailangang manggaling sa kanila ang isinusulat ng press.

Saka, ang alam namin, nag-deny si Wesley kay Ambet Nabus sa radio show nito sa DZMM na pumunta siya sa Boracay para bisitahin si Isabel. Never daw siyang sumunod, ‘di rin siya nanliligaw kay Isabel dahil may girlfriend siya. Kung ganu’n, bakit ginagawang big deal nina Isabel at Jennica ang tungkol dito?

Nililinaw naming hindi si Nadine ang source sa nasabing balita, magkakilala nga kami, pero hindi kami close at ‘di kami textmate. Nauna pa kaming nagkaroon ng contact number ni Jennica, kesa kay Nadine, pero na matagal na rin naming hindi tini-text.

Nahihiya kami kay Nadine dahil dine-deadma na siya nina Isabel at Jennica sa paniwalang ikinuwento nito ang happening nila sa Boracay. Nasasaktan si Nadine sa nangyari dahil wala siyang kasalanan at itinuring niyang kaibigan ang dalawa. Ayaw lang nitong makipag-away, kaya hinahayaan na lang na magbago ang pakikitungo ng dalawa sa kanya.

MALAKING ISYU ANG nasulat sa Yes! magazine na P200,000 lang ang talent fee ni Sarah Geronimo sa superblockbuster movie na You Changed My Life at kahit nagpaliwanag na ang Viva Films at Star Cinema tungkol dito, paborito pa rin itong pagdiskusyunan sa showbis.

Hindi pa makunan ng comment si Sarah dahil nasa Amerika pa ito para sa The Next One US Tour. Pagbalik nito ng ‘Pinas, ang isyu sa kanyang talent fee ang sasalubong sa kanya’t curious ang taong marinig ang pahayag niya tungkol dito.

Bago pala umalis ng bansa, may nadagdag na endorsement si Sarah. Siya ang ipinalit kay Pops Fernandez na endorser/image model ng Unica Hija at isa sa mga araw na ito, makikita na ang mga billboard niya for the clothing line.

Magkakaroon din siya ng Sarah scent sa Bench na malapit na ring i-launch.

MAGTA-TIME OUT SINA Richard Gutierrez at Rhian Ramos sa taping ng Zorro para mag-guest sa April 4 show ng Eat… Bulaga sa New Jersey. Hindi agad uuwi ng ‘Pinas ang dalawa after the show, mag-i-extend sila ng two days at didiretso sa New York.

Parehong first time sa New York ng dalawa, kaya parehong excited. Mas excited lang si Rhian dahil first time niya rin sa Amerika. Nakaplano na ang kanilang mga gagawin habang nasa Big Apple at kasama rito ang panonood ng Broadway play at ang panonod ng NBA games sa Madison Square Garden. Hindi na sasama si Rhian sa pagku-cruise ni Richard dahil magsa-shopping na lang siya.

Hindi matsitsismis sina Richard at Rhian habang nasa Amerika dahil kasama ng actor ang kapatid niyang si Ritchie Paul at ang ina naman ang kasama ni Rhian. Sasabay si Rhian kina Richard pagbalik ng ‘Pinas dahil magpapa-iwan ang mommy niya para makipagkita sa mga kaibigang New York based na.

Mere or Less by Nitz Miralles

loading...

10 thoughts on “Isabel and Jennica, bullying Nadine Samonte?

  1. magsama sila ni isabel na butot balat!! kya pinagpalit sya ni paolo ky lian di hamak nman mas maganda un noh!!!

  2. nako feling nman yan si jennica..hndi nman yan sisikat kundi dahil sa nanay nya eh..kala mo kug snong maganda..ang haba nman ng mga galamay!! super payatot pa!! malayo sa beauty ni pauleen…

  3. Ang pangit ni Isabel , Chaka talaga , how did she became a model ba ? recession ang pinas sa mga model yata .

  4. Ano naman at si Nadine ang sisisihin, hindi hamak kasi na mas may promise si Nadine kesa sa mga bakulaw na galit sa kanya.

  5. grabe nmn c jennica en isabel! ibig sbhn plastic lng pla yung pkikipg kaibigan nla kay nadine kc hindi nila pngkakatiwalaan c nadine.?!?! nkaka walang gana c isabel en jennica. tsk!

  6. Pingback: Pinoy Parazzi: Ang Larawan ng Katotowaan! » PINOY PARAZZI Vol. II Issue #47

  7. Sana lumipat nalang si Sarah sa Star Magic…kinakawawa naman pala sya ng Viva sa talent fee…imagine super sikat and grabe kumita ang mga movies and shows tpos ganyan lang ang TF….ang liit pa ng binigay na bonus…1M lang…eh nasa 230Million ang kinita ng last movie nya…..

  8. at…message lng ky GLAIZA…sana…wag kng gumaya ky JENNICA AT ISABEl….wag m sanang isipin n ganun c nadine dhil d xa ganun…thank you kc d k sumali…labyu♥♥

  9. buset…alam nio inis ako ky jennica at isabel…kasi nid nmn sila sgurado na s nadine ang ngklat sa balita..kala k p nmn mgkakaibgan cla…ang mgkakaibigan..ngtutulungn,ngdadamayan,ngkakaintindihan…at higit s lht ngmamahalan…n s akin ay ngwa ni nadine…pero nid nila pinknggan ang side ni nadine bago cla mglit d2..kakainis talaga si isbel at jennica…akie lng sana kng s isa lng pero nid dalaw pa talaga..png22lungn lng nla si nadine…lalo n nung nksama si jennica na ngsasabi rin n si nadine nga ang ngsiwalat…sayang paborito ko pa mn din s jennica..peo nwala un..kc..di muna cla nkng ky nadine…wapakels…dahil..NADINE SAMONTE AKO FOREVER…wala ng iba…peo khit n glit ako sa inyong 2…tthimik n lng din ako…kc hindi n pumapatol si nadine….

Leave a Reply

Your email address will not be published.