Isa sa 2 Holdaper, Patay sa Shootout; Kasamahan, Huli

PATAY ANG ISANG holdaper na riding-in-tandem habang nadakip naman ang kasamahan nito matapos makipagbarilan sa mga pulis nang sitahin ang mga una makaraang holdapin ang Indian national kahapon ng umaga sa Malabon City.

Binawian ng buhay nang isugod sa Pagamutang Lungsod ng Malabon sanhi ng tinamong tama ng bala ng armalite sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang susepk na si Danilo Maglente, 37, ng Phase 1, Brgy. Longos, Malabon City.

Nakapiit naman sa detention cell ng Malabon Police ang kasamahan nitong si Noel Cabacang, nasa hustong gulang, ng NBBS, Navotas City.

Sa ulat ni SP01 Robert Miclat, may hawak ng kaso, dakong alas-11 ng umaga nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Maya-Maya St., Brgy. Longos.

Bago ang insidente, nakatanggap ng tawag mula sa radio ang tanggapan ni Insp. Renato Armas, ng PCP-3, Malabon Police at inaalarma hinggil sa nagaganap na holdapan sa Martiniko St., North Bay Boulevard South, Navotas.

Isang Sol Singh, Indian national ang nagtungo sa Navotas Police upang ipagbigay-alam ang panghoholdap rito ng dalawang lalaki na nakamotorsiklo na may plakang MC-5000-PH, patungong Maya-maya St.

Agad na nagsagawa ng checkpoint ang PCP-3 at dito sinita ang mga suspek subalit sa halip na huminto ay agad na binunot ni Maglente ang dala nitong homemade shotgun at pinaputukan ang mga pulis, dahilan upang makipagpalitan ng putok ang mga pulis.

Tumimbuwang sa lupa ang mga suspek sanhi ng tama ng bala ng armalite sa katawan ng mga ito at agad na isinugod sa naturang pagamutan, ngunit hindi rin umabot ng buhay si Maglente samantalang agad namang nadakip si Cabacang.

Nakahanda na ring sampahan ng kaukulang kaso sa Malabon-Navotas Prosecutor’s Office ang mga suspek matapos mag-lutangan ang iba pang mga nabiktima ng mga ito sa himpilan ng Malabon Police.      (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.