Isa, patay sa duwelo

NASAWI ANG ISANG binata matapos makipagduwelo sa kapitbahay sa Valenzuela City Biyernes ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay sa Valenzuela General Hospital sanhi ng saksak sa dibdib si Ronilo Ecal, 24 ng Sapang Bakaw, Lawang Bato ng lungsod.

Nadakip naman si Melvin Dappanan, 28, at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat, alas-8:30 ng gabi, sa hindi pa batid na kadahilanan ay nagsuntukan ang biktima at suspek malapit sa kanilang bahay.

Naawat naman hanggang sa mag-uwian subalit makalipas ang ilang sandali ay muling lumabas ang biktima dala ang isang bolo habang lumabas din ang suspek dala naman ang isang patalim.

Muling nagpang-abot ang biktima at suspek subalit naunahan si Ecal na naging dahilan upang dalhin sa VGH habang nadakip ng mga pulis si Dappanan.

Inaalam na ng mga pulis ang pinagmulan ng nasabing insidente.   (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.