Isa Pang Jewelry Store sa Bacolod, Ni-Ransack

HINDI PA man nahuhuli ang mga salarin na nanloob sa F&C Pawnshop and Jewelry Store noong Sabado, panibagong kaso na naman ang kakaharapin ng mga awtoridad sa Bacolod City.

Ito’y matapos na isa na namang jewelry store ang nadiskubre na ni-ransack kahapon ng umaga.

Dakong alas-8:20 ng umaga nang madiskubre ng guwardiya ng Agencia Bacolod na nasa Locsin-Cuadra Sts., Bacolod City na sira na ang kandado ng steel door at pinasok ng mga suspek ang store sa pamamagitan ng maliit na butas na ginawa ng mga kawatan.

Samantala, pinaniniwalaan na maliit na tao o bata ang pinapasok sa loob ngunit ayon sa im-bestigasyon ng may-ari, walang nakuha ang mga suspek dahil nakasilid lahat sa vault ang kani-lang mga alahas.

Ang nasabing jewelry store ay isang kanto lamang ang layo mula sa nilooban na F&C noong Sabado kung saan mil-yong pisong halaga ng alahas ang nakulimbat ng mga suspek.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.