Isa pang impeachment case, haharapin ng Senado

HINDI PA man natatapos sa article 2 ng kaso ni Chief Justice Renato Corona, isa na namang bagong kaso ng impeachment ang inaasahang maiaakyat sa Senado sa mga susunod na linggo.

Ito ay makaraang kumpirmahin ni House majority leader at Mandaluyong Rep. Neptali Gonzales Jr. na napagbotohan na ng mga mambabatas ang reklamo laban kay Associate Justice Mariano del Castillo para sa alegasyon ng plagiarism o pangongopya sa isinulat na desisyon.

Nag-ugat ang nasabing isyu sa desisyon ni Del Castillo sa reklamo ng mga inabusong kababaihan noong panahon pa ng mga Hapon sa bansa.

Sa bilang ng botong 27 na pabor at apat na tutol ay pinagtibay sa Kamara ang sufficiency in grounds ng reklamong betrayal of public trust laban sa mahistrado.

Pagkatapos nito, iaakyat na sa plenaryo ng Kamara ang usapin bago i-transmit sa Senado na siya namang Impeachment Tribunal.

Sa kabila nito, tiniyak ng mga mambabatas na hindi nila pababayaan ang paglilitis kay Corona lalo’t nasimulan na ito at inaasahang matatalakay na rin ang iba pang articles of impeachment.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.