Isa Pang Fishing Vessel, Sumadsad sa Tubbataha

ISA NA namang barko ang sumadsad sa Tubbataha Reef kahapon ng hating-gabi.

Base sa report ng Philippine Coast Guard (PCG) mula kay Angelique Songco, superintendent ng Tubbataha Management Office (TMO), isang Chinese fishing boat na may 12 sakay ang sumadsad dakong 1.1 nautical miles silangan ng ranger station ng Tubbataha.

Lumalabas sa inisyal na impormasyon, posibleng ilegal na pumasok sa lugar ang mga umano’y fish poacher.

Tumungo rin sa nasabing lugar ang isang barko ng PCG para tumulong sa pagsisiyasat.

Matatandaan na Enero 17 nang sumadsad ang US minesweeper na USS Guardian na Marso 30 lamang nang maialis sa naturang heritage site.

Samantala, agad na isasalang sa inventaryo ang dokumento ng mga dayuhan gayundin kung may dala itong mga isda at iba pang lamang dagat.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.