Isa pang DA official, idinawit sa PDAF scam

HINDI PA man nakapagsasa-lita sa pagsisiyasat ng Senado, may kasunod na pangalan na ang mga dating National Agribusiness Corporation (NABCOR) executives na sina Rhodora Mendoza at Vicente Cacal na dapat din umanong ipatawag hinggil sa PDAF scam.

Iginiit ni Senador Francis Escudero, kasapi ng Senate Blue Ribbon committee na nagsisiyasat sa nasabing anomalya, na ipatawag din at pagsalitain si Department of Agriculture (DA) Asst. Sec. for Finance Ophelia Agawin.

“Itong si Agawin, ang pangalan niyan ay involved na rin sa fertilizer fund scam panahon ni dating Presidente Arroyo, ngayon imbes na ma-demote ay na-promote pa at ang hinahawakan niya ay ganu’n pa rin, finance pa rin ng DA,” pagbubun¬yag ng senador.

“Dapat ipatawag si Agawin dahil huling nag-attend si Agawin at hanggang ngayon wala pa siyang inaamin katulad ng dalawang testigo (Mendoza, Cacal) wala pa rin silang inaamin so tama at maganda na magkaharap harap sila para sabihin o magsabi kung ano ang nalalaman nila,” ayon pa sa mambabatas.

Hinggil sa report, ipauubaya na lamang ng Palasyo sa Department of Justice (DOJ) kung isasapubliko o hindi ang pa¬ngalan ng ikatlong broadcast journalist na tumanggap diumano ng P2 milyon mula sa pork fund.

“It really depends on the affidavit. If the journalist’s name was mentioned, that will be seen by (DOJ) Secretary (Leila) De Lima,” ayon kay deputy presidential spokesperson Abigail Valte.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.