Isa pang chop-chop Mga Bahagi ng Katawan ng Kelot, Natagpuan sa Naga

BALOT PA rin ng takot ang mga residente ng Brgy. Cararayan sa Naga City matapos matagpuan sa isang creek ang putol-putol na katawan ng isang lalaki.

Ayon kay PO1 Bagasina, napilitan lamang na usisain ng mga residente sa lugar ang isang dilaw na sako sa gilid ng creek nang umali-ngasaw ang masangsang at nakasusulasok na amoy.

Nang buksan ang naturang sako ay tumambad umano sa kanila ang naa-agnas ng pinagputol-putol na bahagi ng braso at binti ng isang lalaki habang sa ‘di kalayuan nama’y nakuha ang isa pang sako na naglalaman naman ng katawan nito.

Subalit nang busisiin ng mga kinauukulan ay nabatid na wala ang ulo at ari ng biktima.

Napag-alamang buwan pa umano ng Marso ng makita ng mga residente ang nasabing sako, subalit hindi nila ito ginalaw sa pag-aakalang basura lamang ang laman nito.

Paniwala ng mga kinauukulan, posibleng may matinding galit sa biktima ang suspek dahil sa kalunos-lunos na sinapit nito.

Sa ngayon, malalimang pagsisiyasat na ang isinasagawa ng PNP at SOCO upang matukoy ang pagkakakilanlan sa biktima at mahuli ang suspek sa nasabing krimen.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.